Zeinab Harake sumabak sa nakakatuwang pakikipag-Inglesan sa ‘Q and A’ ng pinakabago niyang vlog!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kinagiliwan ng lahat ang pagiging makulit at confident ng isang kilalang YouTuber na si Zeinab Harake. Sa kanyang panibagong vlog ay talagang napasabak sa pagi-i-English ang youtuber upang mapasaya lamang ang kanyang mga ‘Zebbies.’

“Wag nyoko awayin ha hahahaha goodvibes only tag nyo na friend nyong patawa mag english 😂😂😂” saad ni Zeinab sa kanyang youtube channel.

Photo Courtesy: Facebook/ Zeinab Harake

Naisipan ni Zeinab na gawin ang content na “English Only” sa kanyang vlog neto lamang Hulyo 15. Napag-alaman na isang Q and A ang ginawa ni Zeinab ngunit sinasagot niya ang mga katanungan ng kanyang followers sa wikang Ingles. Aminado kasi ang YouTuber na hindi umano siya ganoon kahusay magsalita ng naturang wika. Ngunit, lalo siyang minahal ng kanyang mga fans sa pagiging confident neto. 

“Oh my God! I think my career will ends at this moment,” pabirong sabi pa ni Zeinab na talaga namang ikinatuwa ng mga netizens.

Photo Courtesy: Youtube/ Zeinab Harake

Subalit ayon sa mga kasama niya sa vlog, marunong naman umano ito magsalita ng ingles ngunit hindi masyadong maayos ang pagbibigkas kaya naman ginagawa na lamang niya itong katatawanan. 

Kwento pa ni Zeinab, maaring makapagsulat pa umano siya ng mga ‘essay’ sa wikang Ingles, subalit hirap daw siya sa pagbigkas ng mga English words. 

Matatandaang minsan na nilang ginawa ito ng kanyang kaibigang si Loisa Andalio kung saan makikita ang kakulitan ng dalawa ‘pag nagsama. Kilala rin si Loisa sa kanyang nakakaaliw na pagsasalita ng Ingles.

Photo Courtesy: Facebook/ Zeinab Harake

Gayunpaman, ginagawa raw ito ni Zeinab para mapasaya ang kanyang mga ‘Zebbies’ dahil ito rin umano ang nakakapagpaligaya sa kanya. Marami namang netizens ang nacute-an sa pageenglish neto. Kung nais ninyo na mapanuod ang kwelang vlog na ito ni Zeinab ay agad na magsubscribe sakanyang youtube channel. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *