Zeinab Harake masayang inamin na siya ay nagpa-lip fillers: “nagpagawa po ako ng aking lips”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

DIRETSAHAN Inamin ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake na siya ay nagpagawa ng kanyang lips. Ito ay kanyang binahagi sa kanyang latest youtube vlog. Ayon sa kanya ay nais umano niya na ma-experience na magkaroon ng fuller lips at malaki ang kanyang paghanga sa mga International models na sina Kendall Jenner at Gigi Hadid. 

Photo Courtesy: Zeinab Harake

Walang kiyeme na ibinahagi ni Zeinab Harake na “nagpagawa” siya ng kanyang lips! 

Ayon sa kanya ay sobrang saya niya sa resulta ng kanyang lip fillers! Nais din umano nitong maboost pa ang kanyang confidence at pangarap din umano nito na kumapal ang labi. 

Photo Courtesy: Zeinab Harake

“Kaya ako nagpa-lip filler dahil, gusto ko talagang kumapal yung lips ko. Gusto ko lang siyang ma-experience. So, totoo po. ‘Di ba nga? Gustong-gusto ko sila Kendall (Jenner), Gigi (Hadid),” she said. “Sobrang saya ko kasi kumapal yung nguso ko. Totoo po, nagpagawa po ako ng aking lips,” ayon kay Zeinab

Photo Courtesy: Zeinab Harake

Sa panahon ngayon, tila normal nadin ang mapa-enhance ang pisikal na kaanyuan para maging mas confident pa sa sarili. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *