Toni Fowler, Nagsalita na tungkol sa viral post ni Rob Moya: ‘Ikaw parin.’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Viral ngayon ang larawan na ipinost ng actor-vlogger na si Rob Moya kung saan kasama niya ang ex-girlfriend na si Toni Fowler.

Caption niya sa post: “Ikaw pa rin.”

Nagulat ang mga netizens sa nasabing ganap dahil kamakailan lang ay nag-viral ang video ni Rob na umiiyak habang nangangako sa girlfriend na si Jennifer del Rosario na ito na ang huling babae sa kanyang buhay at tinulungan pa ni Fowler ang dalawa na magsurpirse.

Matatandaan na dating magka-live sina Rob at Toni pero kinalaunan ay inireklamo ng babae ang boyfriend sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa away sa mga ari-arian.

Klinaro ng social media influencers na sina Toni Fowler at Rob Moya na hindi sila nagkabalikan makaraang makipaghiwalay ang huli sa kanyang recent girlfriend.

Sa Facebook Live, iginiit ng dalawa na magkaibigan na lang sila at appreciation post na lamang ang shinare na picture kamakailan ni Rob na kasama si Toni at may caption na “Ikaw pa rin.”

Photo Courtesy: Rob Moya/Facebook

“Walang comeback,” sey ni Toni pero inihayag niya na mananatili siyang kaibigan ng kanyang ex-boyfriend.

“Hindi siya mawawala sa life ko dahil may pinagsamahan naman kami,” dagdag niya.

Humirit pa si Toni na mananatili siya sa tabi ni Rob bilang kaibigan “kahit sino pa ang maging jowa mo.”

“Go! Support lang kami sa iyo,” dagdag niya.

Thankful naman si Rob dahil hindi niya inakala na magiging magkaibigan muli sila ni Toni makaraan ang naging masalimuot nilang paghihiwalay ilang buwan na ang nakararaan na nagresulta pa ng paghingi ng tulong ng babae sa programa ni Raffy Tulfo.

“Ikaw lang ang ex ko na pina-Tulfo ako,” ani Rob. “Pero Ikaw ang pinaka-thoughtful.”

“Hindi ko talaga in-expect na magiging magkaibigan uli tayo. Akala ko forever na tayo nagkaaway,” dagdag niya.

Samantala, isiniwalat ni Toni na malungkot si Rob dahil sa recent breakup nito.

Aniya, kino-comfort lang niya ito dahil natutulala na lang umano ito kapag nag-uusap sila.

Idinagdag niya na napatawad na niya ang dating kasintahan pero siniguro niya na wala nang pag-asa ang anumang balikan sa kanilang dalawa. 

“Single si Rob,” sabi pa ni Toni.

Photo Courtesy: Jennifer del Rosario/Facebook

Marami din ang nagtatanong kung sila pa nga ba ng girlfriend na si Jennifer del Rosario. Sa latest post ni del Rosario ay tila mas binibigyan nito ng importansya ang kanyang peace of mind.

“Sa mga nag aalala at nagtatanong po saken if okay ako, im very okay & happy.. Importante po saken ang PEACE OF MIND.. Maging matured na po tayo lahat guys!!! Godbless everyone”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *