TALENT MANAGEMENT NI ANDREA BRILLANTES, NAGLABAS NG PAHAYAG KASUNOD NG VIRAL PHOTO NITO KASAMA SINA KYLE ECHARRI AT DARREN

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naglabas ng pahayag ang Becky Aguila Artist Management, ang talent agency ng Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes, kasunod ng kumalat na larawan kung saan kasama n’ya ang kapwa-Kapamilya stars na sina Kyle Echarri, na kasamahan n’ya sa “The Gold Squad” at si Darren Espanto.

Photo Courtesy: Darren Espanto

Iklinaro ng management na ang larawan na ipinakalat ng ilang netizens ay nakuhanan matapos ang isang vlog shoot kung saan kasama rin nila si dating child star Xyriel Manabat. Agad din na naglabas ng IG story si Andrea Brillantes na kasama sina Kyle Echarri, Darren Espanto, at AC Bonifacio.

Sinabi rin sa pahayag na matagal nang magkakaibigan sina Blythe, Kyle at Darren at komportable sila sa isa’t isa. Nagselfie lang raw ang tatlo at wala nang iba, taliwas sa mga iniisip ng ibang netizens na malisyoso ang pag-iisip. Normal lamang ito para sa magkaka-ibigan.

Kinondena naman ng naturang management ang anumang panghuhusga sa kanila ng netizens at umabot pa sa paggawa ng mga tsismis na nakakasira sa reputasyon ng kanilang alaga.

Photo Courtesy: Blythe

Siniguro ng management na patuloy pa ring babantayan ang nasabing bagay upang matapos na ang isang hindi pagkakaunawaan sa nasabing larawan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *