Julia Barretto nabisto na nakakain na pala ng isaw dati

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Aamin din yan after 2 years”

Isang video ng Kapamilya actress na si Julia Barretto na kumakain ng isaw ang viral ngayon sa social media.

Ito may matapos sabihin ni Julia na first time niyang kumain ng street food sa naging YouTube vlog ng knyang boyfriend na si Gerald Anderson noong nakalipas na buwan.

Ipinost ng Twitter user na ai Sizzling Hot MotherLily-Yoo ang vlog ni Gerald sa kanyang account. At sa huling parte ng video ay makikita ang video ni Julia na bumibili ng isaw kasama ang noong ka-love team niya na si Ronnie Alonte at kumain sila sa loob ng sasakyan.

“Alam nyo kayo? Bwahahahaha,” ang naging caption ng Twitter user na nagpost ng video ni Julia.

Sa parehong video ay mapapanood din na sinabi ni Julia sa boyfriend niyang si Gerald Anderson na hindi niya nagustuhan ang lasa ng isaw. Taliwas sa sinabi niya noong ang kasama niyang kumain ay si Ronnie na siya ay nasarapan sa isaw.

Isa namang Twitter user pa na si @kdrama_ahjumma ang nagshare ng video at sinabi na naiintindihan niya kung bakit noon ay nag-deny si Julia sa relasyon nila ni Gerald, ngunit nag hindi niya umano maintindihan ay ang pag-deny ni Julia na nakakainna siya ng isaw dati.

“Julia Barretto gets namin mag deny ka na 3rd party ka sa bea -gerald break up na btw jowa mona ngayon.. Gets namin yun. Isa lang tanong ko bakit mo dine-deny ang ISAW????? Wag ganon juls. Bad yan. HAHAHA!

“Di padin ako maka move on dito. I mean Julia B denying the pambang street food. ISAW is iconic HAHA. Wag kayo mag aalala aamin din yan after 2 yrs. Antay lang tayo mga marz,” dagdag pa ni @kdrama_ahjumma sa ibang post.

Samantala, ang mga fans naman ni Julia ay nakiusap sa online community na tigilan na ang pambabash sa aktres.

“As a Julia Barretto apologist, let the girl breathe please,” ani @gabfuellass.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *