Ivana Alawi at ang Biggest Crush niya na si Joshua Garcia nagwork-out! Marami ang Kinilig!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Binuking si Ivana Alawi ng kapatid niyang si Mona na crush niya ang aktor na si Joshua Garcia. Sa kanilang latest vlog sa youtube, para sa celebration ng 2nd Anniversary nito ay napasigaw sa gulat at kilig si Ivana nang mapanood ang video greeting sa kanya ng aktor.

“Bakit andiyan si Joshua?” – Ivana 

“Crush niya po ‘yan [Joshua Garcia], pagbubuking ni Mona. Sandali lang, ‘di pa ako ready… I follow you! You follow my heart! Sagot ni Ivana sa aktor. Nakakahiya, minessage mo si Joshua Garcia? Sinabi mo na crush ko siya?”Mona, anong sinabi mo? Sabihin mo na sakin,”

Photo: Facebook/ Ivana Alawi

Hindi napigilan ni Ivana Alawi ang mahiya matapos mapanood ang video greeting ni Joshua Garcia para sa kanyang second YouTube anniversary.

Dahil dito ay kinulit ni Ivana ang kapatid niyang si Mona Alawi upang tanungin kung papaano niya nakuha ang video greeting ng aktor.

Photo: Instagram/ Ivana Alawi

Marami namang fans ni Ivana ang kinilig at nagkomento ma bagay ang dalawa, wala naman daw masama kung iship nila si Ivana kay Joshua Garcia sapagkat parehas naman daw itong walang karelasyon.

Nawindang naman ang ilan nang magpost si Ivana sa kanyang Instagram story ng kanyang larawan habang nagwowork-out. Samantalang nagpost din si Joshua Garcia sa kanyang Instagram Account ng kanyang workout routine. Marami ang kinilig sa pagakakaparehas ng dalawa. Coincidence nga lang ba talaga?? 

Photo: Instagram/ Joshua Garcia

Marami naman ang mga spekulasyon na nag-usap umano ang dalawa upang sabay na magwork-out. Ngunit, wala namang basehan ang mga komento ng mga netizens. Bagaman, mapapansin din sa mga videos nila na magkaiba ang set-up ng lugar.

Natutuwa lamang ang kanilang mga fans sapagkat mayroon na silang bagong ishiship na Love Team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *