Brenda at Eian nagyakapan matapos ma-miss ang isa’t-isa! Alexa Ilacad, gumawa ng paraan upang magkakitang muli and dalawa!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nitong linggo na ito ay mas umiinit ang mga kaganapan sa pinaka pinag-uusapang bahay sa bansa na PBB Kumunity sapagkat nahati ang housemates sa dalawang grupo.

Sa pagsisimula ng linggo ay hinati ng Head of household na si Anji ang mga housemates at maglalaban-laban para sa immunity sa nominasyon.

Kakaibang tensyon nga ang naganap dahil sa pagiging malulungkutin ng ilang housemates partikular na ni Eian Rances na ka-team nila Alexa at Alyssa. Bugso ng kanyang damdamin ay nais umano nito sigawan si Anji dahil sa paghihiwalay nila ni Brenda ng grupo. 

Samantala bukal naman si Eian sa paglalabas ng kaniyang saloobin na si Brenda ang siyang pinaka nami miss niya sa kabilang grupo, at tila hindi nito nais ang kanyang ibang mga kagrupo. 

Photo Courtesy: Facebook/ PBB Kumunity

Isang pribilehiyo naman ang siyang pinagbotohan ng kumunizens kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang isang miyembro ng bawat grupo na makabisita sa kabilang grupo. Kung saan nagwagi sa botohan sina Alexa Ilacad at Shanaia Gomez upang makabisita ng ilang minuto sa magkabilang mga grupo.

Sa pagbabalik naman ni Alexa sa kaniyang mga ka-grupo ay nagpasama siya kay Brenda upang maihatid siya sa kanilang kwarto, dahilan upang magkita muli kahit hindi magka-usap sina Brenda at Eian.

Did you come in here with Brenda?, but he wasn’t allowed?,” tanong ni Jordan, “Nakita ko kayo,” sabi naman ni Eian.. “I Did, I just risk it (for him) {pointing to Eian},” sabi naman ni Alexa.

Nakakainis, parang ang unfair na parang kasalanan ko, sana sa kaniya na lang (pointing to Eian about the privilege to visit other group)… Ako gusto ko lang talaga mapapasok si Brenda dito,” sabi naman ni Alexa.

Alexa, Thank You nakita ko si Brenda sa malapitan,” ang isinagot naman sa kaniya ni Eian.

Photo Courtesy: Facebook/ PBB Kumunity

Matapos ang ilang araw ay muli ng nagkita ang mga housemates at natupad na ang pinakaaasam ni Eian Rances na muling mayakap si Brenda. Matatandaan na hinati sa dalawang grupo ni Big Brother ang housemates para sa isang task, dahilan para pansamantala silang mawalay at mangulila sa isa’t isa.

Nami-miss ko si Brenda yakapin kahit may amoy…” –Eian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *