Zeinab Harake isiniwalat kung sino nga ba ang kanyang hinahangaan at iniidolo!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sumikat sa ibat-ibang social media platforms ang vlogger na si Zeinab Harake dahil sa nakakaaliw nitong mga videos. Marami na ang naging taga-hanga ni Zeinab Harake na tinuturing siyang isang role model dahil narin sa maganda nitong kalooban at sa patuloy nitong pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Photo Courtesy: Facebook/ Zeinab Harake

Si Zeinab ay isang half-Filipina,half-Lebanese na nakabase ngayon sa Pilipinas—hindi maitatanggi ang napakaganda nitong mukha at pangangatawan kaya naman marami ang Fans na iniidolo ang sikat na vlogger. Mas lalo pa itong sumikat nang isilang niya ang kanyang first baby girl na si Baby Bia. 

Photo Courtesy: Facebook/ Zeinab Harake

Kahit na napakarami ang umiidolo kay Zeinab ay isiniwalat niya na mayroon din siyang iniidolo. Sa kanyang panibagong video, masaya itong nag-unbox ng kanyang panibagong designer bag kasama si Baby Bia. Isiniwalat ng sikat na vlogger na iniidolo nito ang isa sa Blackpink member na si Jennie Kim, alam naman ng marami na si Jennie ay tanyag na endorser ng sikat na designer brand na “Chanel”.

Photo Courtesy: Facebook/ Zeinab Harake

Dahil dito ay nawili nadin si Zeinab na bumili ng mga designer bags na nagkakahalaga ng libo-libong piso. Ayon naman sakanya ay reward nita na ito sa kanyang sarili dahil sa pagtratrabaho nito at pagsusumikap. 

“Ikaw mahilig ka rin sa ganyan (Baby Bia), kasi magiging idol mo din si Jennie!”

“Kagagawan niya to anak, kaya nag gaganito si mommy”— Zeinab Harake

Photo Courtesy: Facebook/ Zeinab Harake

Ayon pa kay Zeinab, ay pinaglihi pa umano niya si Baby Bia kay Jennie ng Blackpink

Matatandaan pa noong nakaraang taon ay nagpakulay pa si Zeinab Harake ng buhok na tulad sa buhok ni Jennie sa kanilang music video ng “How you like that” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *