Zeinab Harake bumuwelta sa kanyang mga body shamers: “Di ko alam saan ako lulugar”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagbahagi na ng kanyang saloobin sa kauna-unahang pagkakataon si Zeinab Harake kaugnay sa mga natatanggap niyang hindi magandang komento tungkol sa kanyang pangangatawan ngayon. Aminado si Zeinab na biktima umano siya ng body shaming dahil sa mabilis na pagpayat nito matapos na manganak sa kanyang first baby. 

“Kaliwa’t kanan ‘yung naririnig ko na ‘ang payat mo’, ‘nakakakain ka ba?’, feeling ko ha ‘di ko alam saan ako lulugar,” ayon kay Zeinab. Matatandaan na noo’y pinuna rin umano ang kanyang katawan dahil naman sa pagdagdag ng timbang.

Photo Courtesy: Zeinab Harake

“Nung mataba ako, hiyang-hiya naman akong ipakita ‘yung itsura ko noong mga panahong manas ako. Kasi ang dami kong nare-receive na comment na ang taba mo na, losyang ka na, ganito, ganyan. Tapos ngayong namayat ako… hindi ko alam saan ako lulugar”, dagdag pa ng sikat na vlogger. 

Photo Courtesy: Zeinab Harake

“Tigilan niyo yan, stop body shaming. Seryoso, hindi siya nakakatulong.”, pakiusap ni Harake sa mga taong mahilig pumuna ng kung ano-ano sa kapwa.

Ayon sa mga eksperto ay ang pambobody-shame ay nakakaapekto umano sa pisikal, mental at emosyonal na pangangatawan ng tao. 

Naging emosyonal pa ang vlogger dahil wala namang kaalam-alam ang mga ito sa  pinagdaraanan niya. Kwento ni Zeinab, nagkaproblema siya sa kanyang appetite matapos manganak. Samahan pa umano ito ng food poison kamakailan sa kanilang tahanan kaya naman talagang hirap siyang kumain. Dahil dito, aminado si Zeinab na apektado siya sa mga komentong ito na nagiging dahilan ng madalas niyang ‘breakdown’ na naapulahan lamang ng kanyang mga mahal sa buhay.

Photo Courtesy: Zeinab Harake

Malaki ang epekto nito sa pangangatawan ng tao kaya naman hiling nalang ni Zeinab na unawin ang kanyang sitwasyon, huwag mam-bash at tulungan nalang ang kapwa upang mas mahalin ang sarili, kahit na ano pa man ang estado ng pangangatawan nito. “Body positivity!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *