Xian Gaza may ‘Open Letter’ para sa talk show host na si Cristy Fermin! ALAMIN!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Laman ng mga headlines ngayon sa social media ang online personality na si Christian Albert Gaza o mas kilalang Xian Gaza dahil sa mga blind item nito patungkol sa mga showbiz personalities. Ang latest post ni Xian Gaza ay ang isyu sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga kung saan na-link ang aktor sa sexy star na si AJ Raval.

Dahil sa mabilis na pag-sagap ng mga impormasyon ni Xian Gaza, agad naman napuna ng mga netizens ang pagiging makupad umano makasagap ng mga balita ng beteranang talk show host na si Cristy Fermin. 

Matatandaan din na nagtrending ang pagpuna ni Cristy Fermin sa katawan ng sikat na aktres at singer na si Nadine Lustre at maging isyu sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica kung saan involved din si AJ Raval. Laking pagtataka ng lahat kung bakit tahimik at walang kaalam alam si Cristy Fermin sa mga bagong impormasyon.

Binasagan ng mga netizens na ‘Marites’ ang gossip na journalist na si Cristy Fermin at Lolit Solis, subalit tila nasasapawan na umano sila ni Xian Gaza. Dahil sa isyu na ito ay nagbigay ng isang open letter si Xian para kay Cristy Fermin;

Photo Courtesy: Facebook/ Christian Albert Gaza

OPEN LETTER TO CRISTY FERMIN:

Alam mo bakit bwisit na bwisit ka sa akin? Because for the very first time in your 65 years of existence eh ngayon ka lang naka-encounter ng isang tao na higit kalahati ng iyong edad tapos mas maingay ang pangalan sa mundo ng Philippine tsismis. Nasapawan kasi kita. Naapakan yung ego mo. Sobrang sakit no’n. I feel you. Huwag ka mag-alala dahil mataas ang respeto ko sayo bilang haligi ng gossip journalism sa ating bansa. Kahit nilampaso ng Isyus by Xian Gaza ang iyong Cristy Ferminute brand, ika’y hindi maaalis sa puso ng sambayanang Pilipino. We love you, Lola Cristy.

CHRISTIAN ALBERT “XIAN” GAZA

Pambansang Marites New Generation

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *