Vlogger na si Whamos Cruz binangungot at nanginig habang natutulog!? Antonette to the rescue

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sumikat sa social media ang vlogger at tiktok influencer na si Whamos Cruz, dahil sa kanyang mga nakakatawang video. Itinampok sa isang programa sa GMA ang kanyang buhay at pati narin ang kanyang love life, kung saan pinangalanan nito ang kanyang girlfriend na si Antonette Gail del Rosario. 

Hindi man naging maganda ang taong 2021 sa magkasintahan at sinubok ang kanilang relasyon, naging matatag padin sila at wala umanong makakapagpa-hiwalay sakanila.

Photo Courtesy: Facebook/ Whamoscruz

Sa latest video na inupload ni Whamoscruz na may caption na ‘NANANAGINIP KA’, makikita na mahimbing ang tulog nito matapos mag practice. Tila pagod na pagod at walang kamalay-malay si Whamos, dahil dyan may naisip na prank ang kanyang girlfirend na si Antonette.

Photo Courtesy: Facebook/ Whamoscruz

Habang natutulog ay malakas na hinampas ni Antonette ng unan ang kanyang boyfriend na si Whamos, agad naman na nagising ito at gulat na gulat sa nangyari. 

Ani ni Antonette,’Nananaginip ka, nanginginig ka.. umayos ka nga!’ agad naman na inasikaso nito ang kanyang boyfriend at pinainom ng tubig at pinakain pa ng spaghetti.

Photo Courtesy: Facebook/ Whamoscruz

Tila wala paring kamalay-malay si Whamos sa mga nangyari. Mapapanuod ang video na ito sa kanilang facebook account na ‘Whamoscruz’

Umani naman ito ng mga nakakatawang komento sa mga netizens;

“lakas nmn ng hampas muntik ng kunin ni e, ingat sa susunod alam na ngang isang ihip nlng ee bibigay na hinampas pa ng pag katodo todo, humiwalay ung kaluluwa pang samantala ee.”

“Sa Lahat Ng VLog Nyo Dito Ako Sobrang Tuwang Tuwa. KaLas Utak!”

“Buti nalang naka recover pa. Akala ko next vlog nyo. May kalapati na sa likod ang picture nya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *