TRENDING: Andrea Brillantes inunfollow na sa Instagram si Francine Diaz!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Viral ngayon sa social media ang mga larawan nina Francine Diaz at Seth Fedelin na magkasama. Makikita sa mga larawan ang buong pamilya ni Francine at laking pagtataka ng mga netizens kung bakit naroroon din si Seth Fedelin na kaloveteam ni Andrea Brillantes. Ipinagdiwang ng dalawa ang new year kasama ang buong pamilya ni Francine at may caption ang larawan na ‘Family is Love’

Photo Courtesy: Merdick Diaz

Sumikat ang SETHDREA at KYCINE ng dahil sa programang Kadenang Ginto, at kahit natapos na ang ang serye ay patuloy parin napapanuod ang grupong Gold Squad sa youtube. Matapos mabuwag ng loveteam na KYCINE dahil sa na-link ang aktor na si Kyle Echarri kay Chie Filomeno, 

muling bibida si Francine Diaz sa isang programa kung saan ay ipapareha ito sa tatlong leading man na sina Akira ng BGYO, KD Estrada at Ashton Salvador.

Photo Courtesy: Gold Squad

Samantalang mayroon ding upcoming na serye ang loveteam na SETHDREA, malaki ang pagtataka ng mga netizens kung bakit nga ba magkasamang nagcelebrate ng new year sina Francine at Seth Fedelin. 

Marami ang mga issue na lumabas kung saan sinasabi ng mga netizens na may relasyon umano ang dalawa. Subalit, sa latest na interview kay Francine Diaz ay inamin nito na hindi pa umano ito handa na pumasok sa isang relasyon. 

Photo Courtesy: Instagram/ Andrea Brillantes

Hindi maiiwasan mapansin ng mga netizens na bihira na lamang makita na magkasama sina Francine at Andrea Brillantes, sapagkat may kanya-kanya na itong grupo sa kanilang mga vlog. Kaya naman nagtataka ang ilan kung magkaibigan parin ang dalawa.

Photo Courtesy: Instagram/ Andrea Brillantes

Nag-viral sa social media ang pag-unfollow ni Andrea Brillantes kay Francine Diaz sa Instagram at nabuo nanaman ang isyu na tila kaugnay nito ang mga larawan nina Seth at Francine na magkasama. Naging palaisipan muli ito sa mga fans ng Sethdrea at maging fans ni Francine Diaz. Ano nga ba ang estado ng kanilang pag-kakaibigan? 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *