Tom Rodriguez at Carla Abellana, Inunfollow na ang isa’t-isa sa Instagram! Hiwalay na tatlong buwan pagkatapos ikasal?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nagulat sa isyu kung saan hiwalay na umano ang bagong kasal na couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. 

“Parang nakakapanghinayang kasi na ang tagal nilang magkasintahan, pero kung kailan sila ikinasal kamakailan lamang ay s saka naman napabalita ang kanilang hiwalayan.” ayon sa kaibigang direktor ng dalawa

Matatandaan na Ikinasal sina Tom at Carla sa Tagaytay noong October 23, 2021 pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan. Sadyang kinatuwa ng TomCar fans nang sila’y ikasal at tila pinatunayan nila na may forever sa kaloveteam! 

Photo Courtesy: Carla Abellana

Subalit, lalong umugong ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa sapagkat sa kani-kanyang Instagram account ay andiyan pa ang mga litrato nilang magkasama, pero in-unfollow nila ang isa’t isa. Laking pagtataka ng kanilang mga taga-suporta kung ano nga ba ang dahilan ng di inaasahang pag-unfollow sa social media 

Lumabas din ang isyu kung saan may isa umanong Kapuso actress ang sabi-sabi’y pinagselosan ni Carla dahil sweet dito si Tom!

Photo Courtesy: Carla Abellana

“Ang bilis kumalat itong kuwentong diumano’y hiwalay na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Nagpadala ako ng text message sa manager nilang si Popoy Caritativo at pati kay Carla, pero wala pa silang sagot.”

Ewan ko kung totoo ang ilang kuwentong nasagap naming madalas daw ang kanilang pag-aaway at ilang beses na umano silang naghihiwalay sandali, pero nagkakaayos din. So the others I asked were just thinking, I hope it’s just one of their fights and they also get along and get back together.” ayon sa kanilang kaibigang direktor 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *