Silipin ang Photoshoot ng Anak ni Zeinab Harake na si Baby Bia sa kanyang ika-2 buwang selebrasyon!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maituturing na isa sa pinaka-maimpluwensyang youtuber si Zeinab Harake, Maraming netizens at viewers sa Youtube ang patuloy na humahanga vlogger dahil sa kanyang mga nakakaaliw at nakakatuwang videos na ibinabahagi nito sa kanyang sariling Youtube channel.

Photo Courtesy: Instagram/ Zebbiana

Kaya naman hindi maipag-kakaila ang kasikatan niyo sapagkat napakarami ang kaniyang taga-hanga at maraming viewers ang natutuwa sa mga bidyong ina-upload nito dahil ngayon ay mayroon na itong 10.8 milyong subscribers at araw-araw ay dumarami pa ito.

Kahit paman nanganak na ito ay patuloy parin ang kanyang pagpapasaya sa mga Zebbies, malaki din ang suporta na nakukuha ng kanyang baby girl na si Baby Bia. Anak ito ni Zeinab sa kanyang boyfriend na si Daryl Jake Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee na isang Filipino rapper, singer-songwriter, record producer at miyembro ng Filipino hip-hop group na x-batallion.

Photo Courtesy: Instagram/ Zebbiana

Nito lamang Hunyo ay nanganak si Zeinab ng kanilang unang anak ni Daryl at ipinangalanan nila ito bilang Zebbiana na hango sa naging title ng kantang isinulat ni Daryl noon para kay Zeinab.

Punong-puno ng kasiyahan ang magkasintahan tulad na lamang ng iba pang mga first time parent ay masayang-masaya ang dalawa dahil sa biyayang natanggap ng mga ito mula sa itaas.

Tila nga napakabilis lamang ng panahon at ngayon ay ipinagdiriwang na nina Zeinab ang ikalawang buwan ni Baby Bia. Nag-effort ng husto ang team nila upang makapag-photoshoot si Baby Bia. 

Photo Courtesy: Instagram/ Zeinab Harake
Photo Courtesy: Instagram/ Zebbiana
Photo Courtesy: Instagram/ Zebbiana

Mayroon nading sariling Instagram account si Baby Bia kung saan ibinahagi ang kaniyang mga larawan. Suot-suot ang crochet cinderalla inspired na dress, cute na cute na ibinida ni Baby Bia ito sa harap ng camera. 

Photo Courtesy: Instagram/ Zeinab Harake
Photo Courtesy: Instagram/ Zebbiana
Photo Courtesy: Instagram/ Zebbiana

Matatandaan na nagphotoshoot din si Zeinab ng Disney Inspired Theme para sa kanyang baby shower at talaga namang nagtrending ito! Ngayon pa lamang, makikita na magaling na magpose si Baby Bia sa harap ng camera. Maraming netizens ang nais pang makita si Baby Bia lalo na sa mga darating na vlog ng kanyang mommy na si Zeinab.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *