Seth Fedelin Nagsalita na tungkol sa relasyon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Trending ngayon sa social media ang IG live ni Seth Fedelin kung saan nagsalita na ito kaugnay sa relasyon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Kama-kailan lamang ay sinagot na ni Andrea Brillantes si Ricci Rivero matapos nitong magtanong kung nais ba ng dalaga na maging girlfriend nito, agad naman sinagot ni Brillantes ng ‘yes’ ang kanyang katanungan.

Photo Courtesy: Instagram/ Seth Fedelin

Malaki ang pagtataka ng mga netizens kung bakit nga ba bigla na lamang nawala ang tambalang SETHDREA at kung ano nga ba ang nangyari. Matatandaan na nitong buwan ng Enero ay kumalat ang napakaraming issue kaugnay ang mga love team ng hit teleserye na Kadenang Ginto. Nabuwag ang tambalang KYCINE at maging ang SETHDREA.

Photo Courtesy: Facebook / Andrea Brillantes Fans

Binasag na nga ni Seth Fedelin ang kanyang katahimikan at nagpahayag ito ng kanyang saloobin sa IG Live; ipinagtanggol at sinuportahan nito si Andrea Brillantes sa kanyang relasyon sa basketball player na si Ricci Rivero. 

Photo Courtesy: Facebook / Andrea Brillantes Fans
Photo Courtesy: Instagram/ Seth Fedelin

“Deserve ng kaibigan(Andrea) ko na may gumawa sa kaniya ng ganung bagay, ipagsigawan siya sa publiko. Happy po ako, wala akong anything negative na nararamdaman…. supurtado ko po silang dalawa.” – Seth

Nilinaw din ni Seth na magkaiban lamang sila ni Andrea Brillantes at hiling nito na itigil na ang pangbabash ng mga tao at maging masaya na lang sa kanilang kanya-kanyang desisyon sa buhay. Pinili nito na magsalita dahil sa mga nababasang mali sa social media 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *