Rudy Baldwin, may prediksyon na matatalo umano ni Bongbong Marcos si Leni Robredo sa darating na Eleksyon!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

‘MAS GUSTO KONG TALUNIN NATIN SIYA SA ELEKSYÔN’- Leni Robredo

Sa interview ni VP Leni Robredo sa CNN Philippines, matapang nitong sinagot ang mga katanungan at mariin na sinabing nais umano nitong talunin si Bongbong Marcos sa darating na 2022 elections. 

“Ang daming naniniwala na dinayà ko siya, kahit ilang beses pa akong nanalo sa Supreme Court,”saad ni VP Leni

Photo Courtesy: Mixflakes

“So kailangan talagang talunin siya sa susunod na eleksyon para once and for all, mahinto na ‘yung ginagawa niya na pagpapaniwala sa tao noong narrative na gusto niyang i-push,”dagdag pa nito

Ngunit, may nakita umanong vision ang psychic reader na si Rudy Baldwin sa darating na eleksyon,

Ayon kay baldwin, Baliktad umano ang magiging resulta ng susunod na eleksyôn kumpara noong 2016, Matatalo na umano ni Bongbong Marcos ang Vice President na si Leni Robredo bilang pagka-pangulo. 

Photo Courtesy: Jetty Photography

Marami namang netizens ang umalma sa prediksyon na ito ni Baldwin, wala naman daw katotohanan ang mga vision nito at magkaka-alaman na lamang kapag lumabas na ang tunay na resulta. 

Photo Courtesy: Rudy Baldwin

Samantala, sa usaping eleksyôn naman, hindi nagbigay si Rudy kung sino sino pa ang mga posibleng mananalo sa nalalapit na eleksyôn ngayong taong 2022 ngunit aniya ay nakikita na isang magulong eleksyôn ang mangyayari at marami umanong hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *