Pinangalanan na ni Xian Gaza ang mystery girl na kinita ni Gerald Anderson habang naka lock-in taping si Julia Barreto!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

May pasabog muli ang ‘Marites’ na si Christian Albert Gaza tungkol sa aktor na si Gerald Anderson.

Neto lamang nakaraang linggo ay nagsimula ng panibagong issue si Gaza na nagsasabing may kinita umano si Gerald na isang mystery girl habang naka lock-in taping ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Marami ang nagtatanong kung totoo nga ba ang bali-balita at kung sino nga ba ang babaeng kanyang tinutukoy. Marami nanamang chismoso at chismosa ang nag-aabang ng balita kaya naman abangers ang mga ito sa post ni Xian Gaza.

Photo Courtesy: Facebook/ Gerald Anderson

Neto lamang sabado ng umaga ay nagpost na nga si Xian kung saan nabanggit ang pangalan ni Pia Wurtzbach, kaya naman nag espekula na ang mga netizens na si Pia ang tinutukoy na ‘mystery girl’ ni Xian Gaza. 

Naging laman din ng mga balita noon ang pagkaka-link ni Gerald kay Pia habang sila pa ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo. Nagsalita ang kaibigan ni Bea na si Janus del Prado sa kanyang mga nalalaman tungkol sa ugnayan nina Pia at Gerald. 

Photo Courtesy: Facebook/ Pia Wurtzbach

Kaya komento ng iba ay baka totoo nga ang nasabing isyu sa dalawa. Wala pa namang kompirmasyon tungkol dito at tikom naman ang bibig ni Gerald sa isyu na ito, espekulasyon lamang ng mga netizens ang pagkakabanggit ng pangalan ni Pia Wurtzbach sapagkat matatandaan din na may karelasyon ang Beauty Queen at masayang namumuhay sa ibang bansa.

Heto ang naging kabuuang post ni Gaza;

Photo Courtesy: Facebook/ Christian Albert Gaza
Photo Courtesy: Facebook/ Christian Albert Gaza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *