Pinakabagong hot couple sa social media na ‘Whamonette’ True Love nga ba??

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Trending topic ngayon sa social media ang bagong hot couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario, o mas kilala bilang “Whamonette.” Pero bakit nga ba mayroong nagdududa sa kanilang relasyon? Marami ang nag-iisip na para sa content lamang ang kanilang ginagawa upang maraming manuod ng kanilang mga tiktok videos. 

Naikwento nila sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” na nagkakilala sina Whamos at Antonette, nang minsang gayahin ng dalaga ng dance challenge sa Tiktok ni Whamos at doon na nagsimula ang kanilang ugnayan.

Courtesy: Facebook/ Whamonette

Napansin ito ni Whamos at tila agad niya nagustuhan ang dalaga , Nagsimula ang madalas na dance collab nilang dalawa, na nauwi sa panliligaw ni Whamos kay Antonette.

Matapos ang tatlong buwan na panliligaw ni Whamos kay Antonette sa social media, nagpa-swab test ang una para puntahan sa kanilang bahay ang dalaga. Sa kanyang pagpunta sa tahanan ng Dalaga, personal na tinanong ni Whamos si Antonette kung puwedeng sila na, at hindi siya nabigo, agad itong sinagot ng dalaga ng walang pag-aalinlangan.

Courtesy: Facebook/ Whamonette

Kwento ni Antonette, ang ngiti ni Whamos ang nagustuhan niya at hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo. Maalaga din umano ang binata at lagi siyang napapasaya

Sinabi rin nila na kung ano ang nakikita ng netizens tungkol sa kanila sa social media ay ganoon din sila sa tunay na buhay. Naging totoo lamang sila sa kanilang nararamdaman at kahit na may manghusga pa sakanilang relasyon ay hindi matitibag ang kanilang tunay na pagmamahalan

Courtesy: Facebook/ Whamonette

“Happy 2M FOLLOWERS & 2 MONTHS OF LOVE MAHAL!🥺❤️ Abangan niyo yung video kung paano ko sinuprise si Whamoscruz ❤️ 

( I’m always here, Stay strong to both of us. I love you! 🥺❤️)” – Antonette Gail

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *