Pagod, Gutom at Lamig ang Naranasan ng dalawang batang Magkapatid habang Nagbebenta ng Sampaguita!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon ng pandemya, sobrang hirap ng buhay ang nararanasan ng iba,pati narin ng mga kabataan. Marami narin ang nag-viral na kwento patungkol sa mga kabataan, na sa murang edad pa lamang ay mulat na sa reyalidad ng mundo. Ang ilan nga ay hindi na nakakapag-aral at kahit na maglaro ay hindi na nila nagagawa, dahil sa pagsisikap nila na makaahon sa estado ng kanilang buhay. 

Sa mga kalsada ng Maynila, natural na ang nakakakita ang mga bata na naghahanap buhay para sa kanilang mga pamilya. Nakakahabag nga ito na pagmasdan, sapagkat masyado pa silang bata upang isipin ang kanilang pang-araw araw na makakain. 

Nabalot ng kalungkutan ang social media, sa mga larawan na ibinahagi ng isang netizen na si Nahara Pagayan sa kaniyang Facebook account. Napukaw ang atensyon ng marami, sapagkat makikita sa larawan ang dalawang bata na nasa kalsada at nagbebenta ng Sampaguita. Makikita rin dito na karga karga ng bata ang kaniyang nakababatang kapatid habang umuulan.

Napaka sakit isipin na sa kanilang murang edad ay nararanasan na nito ang reyalidad ng buhay. Makikita rin sa larawan na nabasa na ang mga ito dahil sa ulan, kaya naman nagpahinga muna sila pansamantala sa isang gilid. Nakakadurog ng puso,  nagsisikap na sila sa kanilang murang edad upang makaraos sa hirap ng buhay. 

Mararamdaman mo ang pagod, hirap, lamig at gutom ng mga bata sa mga larawan na ipinost sa social media. Kaya naman ito ay umani ng ibat ibang reaksyon sa mga Netizens. Dalangin nila ay sana matulungan ang mga bata. Marami sa mga netizen ang nanawagan sa DSWD upang matulongan ang mga bata.

Karapatan ng mga bata na makapag-aral at maglaro kasama ang mga kaibigan nito at mamuhay ng maayos na naaayon sa kanilang edad. Naway magsilbing aral sa bawat isa na kung hindi pa natin kayang buhayin ang ating sarili ay huwag muna gumawa ng mga bagay na hindi kayang bigyan ng responsibilidad. 

Napaka sakit isipin na naghihirap na ang mga bata sa kanilang murang edad, Naging responsibilidad na nila ang pagtratrabaho upang may makain sa pangaraw-araw. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *