Paalam, Lola Iska, “oldest living person in the world” pumanaw na!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pumanaw na si Francisca Susano a.k.a. Lola Iska sa edad na 124 years old, bago pa man ma-verify ng Guinness World Records committee na siya ang oldest living person. 

Ikinalungkot ng mga netizens ang pagpanaw ng itinuturing na pinakamatandang tao sa Pilipinas na si Lola Iska. Naitala ang kanyang pagpanaw ni Lola Iska noong November 22, 2021, ayon sa Facebook post ng City Government of Kabankalan sa Negros Occidental. Nag-viral sa social media ang mga larawan ng matanda nang magdiwang ito ng kanyang ika-124 na kaarawan. 

Sabi pa sa post, “Her official declaration as the oldest person in the world at 124 years old is currently validated by the Guinness World Records.”

ANNOUNCEMENT:

It is with sadness in our heart when we received the news that our beloved Lola Francisca Susano passed away early this Monday evening November 22. Lola Iska is considered the oldest person in Negros Occidental and in the Philippines.

Her official declaration as the oldest person in the world at 124 years old is currently validated by the Guinness World Records.

“Mayor Pedro Zayco, Jr., Vice Mayor Raul Rivera and all city officials as well as all the people of Kabankalan City condole and pray with the family of Lola Iska in their period of bereavement.

Lola Iska will always remain as our inspiration and pride.”

As of September 2021, bine-verify pa ng Guinness World Records organization ang mga dokumento ni Lola Iska bilang world’s oldest person. Oras na ma-verify ito, malalampasan ni Lola Iska si Jeanne Calment ng France bilang world’s oldest person. Pumanaw si Calment noong 1997 sa edad na 122.

Isinilang si Lola Iska noong September 11, 1897.

Siya ang pinakahuling Pilipinong isinilang sa 19th century at naabutan pa ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo. Ibig din sabihin nito, isinilang si Lola Iska sa taong naimbento ang ice cream scoop at cotton candy, at bago nagkaroon ng eroplano (1903) at ballpen (1888).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *