OFW sa Bahrain, Nireklamo ng anak matapos niyang hindi bigyan ito ng ‘House and Lot’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Inireklamo ni Jerald Reondangga ang kanyang inang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Bernadette Montaniel dahil lamang sa hindi daw nagpapadala ang domestic helper ng tamang sustento sa kanya at sa kanyang mga kapatid. 

Tumaas kagad ang kilay ng mga netizens matapos nilang mapanood kung paano sagut-sagutin ni Jerald ang kanyang ina na nagta-trabaho na ng ilang taon sa ibang bansa upang masustentohan ang kanyang mga anak.

Photo Courtesy: RTIA

Reklamo pa ni Jerald, bakit pa daw ipinapadaan sa ibang tao ang mga padala ni Bernadette kung pwede naman na ideretso na lamang ito sa kanya.

Ngunit iginiit ng OFW na hindi nababawasan ang kanyang mga padala at maliit lamang talaga ang sweldo niya bilang domestic helper.

Ibinunyag pa nito na maliban sa kanyang ipinapadalang salapi ay binabayaran niya rin ang motorsiklo na hinuhulungan ni Jerald at isa pang tricycle.

Photo Courtesy: RTIA

Minsan daw ay humihiling pa ang anak niya ng magarbong handaan para sa kanyang kaarawan ngunit hindi niya ito maiibigay dahil ipinangpa-inom lamang daw ito ni Jerald sa mga barkada niya.

Hinuhulugan niya rin ang cellphone ng kanyang mga anak.

Pero ayon kay Jerald ay ang ‘house and lot’ na hinihiling niya na hindi maibigay ng kanyang ina ang talagang nagtulak sa kanya para ireklamo ang ina sa programa.

Photo Courtesy: RTIA

Sa ngayon daw kasi ay nakikigamit lamang sila ng banyo sa kabilang bahay. Nagtataka rin daw siya dahil may mga nakikita siyang ibang bata na mayroon ng sariling bahay kahit sa Maynila lamang nagta-trabaho ang kanilang mga magulang habang ang ina niya ay nasa abroad naman. 

Kinampihan naman ng mga netizens ang inirereklamo na si Bernadette sapagkat sa liit ng sahod nito ay mga importanteng bagay lamang muna ang kaya nito ibigay sa mga anak. Sabi naman ng mga netizens ay kung nais ni Jerald ng House and Lot ay magsumikap umano ito at wag lang umasa sa sustento ng ina dahil nasa tamang edad narin ang binata. 

Ayon sa ilang ulat ay umaabot lamang ng P21,700 o BHD160 ang kadalasang sweldo ng mga domestic helper sa Bahrain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *