Nanay na nakatira sa ‘Basecommunity’ Nagreklamo at may panawagan pa kay Mayor Isko:’Mas mabuti pa nasa squatters kami!’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Inulan ng batikos ang isang ina sa social media matapos nitong paulanan ng reklamo ang kanyang paglipat sa ‘Basecommunity’ na proyekto ng LGU ng Maynila para sa mga residenteng walang matirhan. 

Itinayo ang Basecommunity upang bigyan ng mura at maayos na pabahay ang mga residente ng Maynila.Ngunit tila hindi lahat ng nakatanggap ng pabahay ay natutuwa sa proyektong ito at isa na dito ang isang nanay na nakapanayam ng vlogger na si Khopars.

Sa nasabing panayam ay kinamusta ng vlogger ang ilan sa mga nakatanggap ng pabahay, kasama na dito ang babae ngunit imbis na papuri ang kanyang sabihin ay puro reklamo ang kanyang sinambit at tila hindi ito natutuwa sa pabahay. 

Ilan na dito ay ang 2,000 na kailangan umano bayaran ng mga nakatira sa Basecommunity kada buwan mabigat umano ito dahil hindi naman daw ito kayang bayaran ng mga walang trabaho. Sa hirap umano ng panahon ngayon, wala umano silang trabaho na mahanap. 

Ayon sa kanya ay wala silang pinirmahan na agreement kaya’t ang paniniwala niya ay habambuhay nilang babayaran ang nasabing bahay hanggang sila ay nakatira roon. 

Inireklamo niya din na hindi sila pwedeng magdala ng iba nilang kamag anak o bisita sa kanilang mga natanggap na bahay. Ngunit, sambit ng iba ay para din yon sa kanilang proteksyon at katahimikan nadin sa komunidad. 

Hanggang siyam lang ang pwede, paano na ‘yung sobra?” tanong ni nanay.

Maganda nga ‘yung bahay pero pag gising mo mag iisip ka ng pambayad, wala ka namang hanapbuhay,” dagdag niya pa.

Sinabi niya pa na kung hindi lang sila nasunugan ng bahay ay mas mabuti pa na nandoon nalang sila sa squatter.

“Kung hindi nasunog mas maganda pa ‘yung squatters nalang kami, hindi pa kami mag iisip ng kung ano ano na pambayad namin, kung may babayaran kami o wala,” sabi pa niya.

“Ang iintindihin lang namin pagkain namin, bahay namin hindi na kami magbabayad syempre squatters,” dagdag niya pa.

Inireklamo niya din na kailangan pa daw silang singilin sa mga masisira sa bahay kung mag desisyon sila na umalis na sa Basecommunity.

Umabot ng milyon milyong views ang nasabing vlog na inulan ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Ang karamihan ay binatikos si nanay dahil sa reklamo nito. Dahil imbes na magpasalamat at magsumikap sa buhay ay panay pa umano ang reklamo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *