Nakaka-Inspire! Batang nag Champion sa Marathon, Inilibre ng guro sa isang fast food chain!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ibinahagi ng isang guro sa social media na si Venus Sulit ang larawan nila ng kanyang estudyante sa isang fastfood chain. Ang larawan ay pangkaraniwan lamang ngunit sa likod nito ay may malalim pa itong kwento. 

Jayson: “Ma’am, ipagjo-jollibee nyo po ako? Parang sobra naman po yata ‘yon, ehh nanalo lang naman po ako ehh” *with his innocent face*

Teacher: “Ano ka ba? Anong nanalo LANG? Ikaw po kaya ang champion sa mathrathon sa buong Sariaya East, deserve mo naman po na ipag-jollibee kita!” 

Jayson: “Di pa po kasi ako nakakapasok ng Jollibee mula nung ipinanganak ako, nahihiya po ako!” 

Photo credits: Venus Sulit

Bigla na lamang naluha ang Guro sa mga sinabing ito ng kanyang estudyante, marami sa mga bata ang nakaka-kain palagi sa fasfood chain at makikita sa mga ito ang kanilang tuwa kapag nakikita pa lamang ang mga mascot dito. Samantalang sa murang edad pa lamang ng batang ito ay hindi na ito nanghihingi ng anumang kapalit sa kanyang tagumpay. 

“And my tears starts falling down! Di ko lubos maisip na ang kausap ko ay ISANG GRADE 1 STUDENT pa lamang na dapat puro laro lang ang nasa isip but then para syang matanda kung makipag-usap because of what he experienced on his life in this kind of age! He is Jayson D. Maghirang, one of my with honor learner. I’m still young to be a mother pero isa sya sa nagpaparamdam sakin na isa na akong ina, sobrang sarap lang sa feeling. Everytime I see his genuine smile, di ako nawawalan ng pag asa na makakaahon ‘to sa kung anong meron sila ngayon!”

Photo credits: Venus Sulit

One time, napagalitan ko sya kasi oras ng klase nanunuod sya ng TV dun sa canteen ng aming school (kapitbahay lang namin ang canteen), and then biglang sabi nya “Ma’am, sorry po! Di ko na po namalayan na nanunuod na po ako ehh, wala po kasi kaming TV at wala rin po kasi kaming kuryente sa bahay,” at kinuwento na nya sakin ang buong buhay nya kasama ang pamilya nya. Bigla akong nanlambot at nasaktan dun sa mga narinig ko. Di ko man makwento ang buhay na meron sya ngayon but I could really tell that the life of this child will inspire you to become strong in facing problems in life yet nagagawa nya pa ring ngumiti! Matututunan mo rin sa kanya kung gaano ka kaswerte sa buhay at kung gaano mo kailangan makontento kung anong meron ka sa kasalukuyan. Congratulation’s my baby, I am your top fan teacher! Godbless you, at sobrang mahal ko kayong lahat ng mga kaklase mo!

Ang pagiging mapagkumbaba at kontento sa buhay ang mga katangian ni Jayson na dapat tularan ng ibang mga kabataan. Bagamat wala sila ng mga bagay na mayroon ang iba ay hindi ito nagrereklamo o kaya naman nanghihingi ng mga materyal na bagay sa kanilang mga magulang. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *