Mygz Molino Labis ang Hinagpis ngunit Sinisisi sa nangyari sa Komedyante, Kapatid ni Mahal Nagsalita may Buwelta!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nagulat at nalungkot sa balitang wala na ang komedyanteng si Mahal. Ngunit, kasabay ng hinagpis ng mga supporters ay ang paninisi sa kaniyang boyfriend na si Mygz Molino.

Ayon sa source, ang ilang kamag-anak ni Mahal ay mayroong sama ng loob sa nasabing YouTuber dahil sa pagluwas nila ng probinsya lalo pa’t may pandemya. Sana man lamang daw ay ipinagliban muna nila ang content sa YouTube at nag-ingat muna laban sa sakit. 

Bago pa man ito bawian ng buhay ay nakapag-vlog pa sina Mahal at Mygz kung saan makikita na nasa probinsya sila ng Albay sa Bicol region. Agad naman kinausap ng mga kamag-anak si Mygz upang pagsabihan na delikado umano ito para sa kanilang kapatid na mahina ang resistensya. 

Giit din ni Mygz na kagustuhan daw mismo ni Mahal ang puntahan ang kaniyang kaibigan upang magbigay ng tulong pinansyal at mapasaya ito dahil na din sa video na nag-viral kamakailan.

Photo Courtesy: Facebook/ Mygz Molino

Hindi din naman inaasahan ni Mygz na magkakasakit si Mahal sa lugar na yon sapagkat liblib na lugar ang kanilang pinuntahan at malayo sa kabihasnan. Labis naman ang hinagpis na kanyang naramdaman sa sinapit ng kanyang kinakasama.

Heto ang naging pahayag ng Kapatid ni Mahal;

“Nasa Batangas siya, kay Mygz. Nandoon na sa Batangas ang kapatid ko na si Lany. Nang tawagan nila ako, nasa ospital na si Mahal. “Nam4tay siya kaninang alas-kwatro. May C0vid siya at Gastr0. Meron din siyang pre-existing condition, may high blood pressure. Naibalita saming nagka-pneumonia din siya.”

Photo Courtesy: Facebook/ Mygz Molino

Dagdag pa niya,

“Sa edad niya saka sa dwarfism niya, so far, talagang nasa high risk na siya ng C0vid. Kanina lang nalaman na may C0vid siya, hindi napa-test. Sabi ko sa kapatid ko, kay Lany, ‘Wala nang sumbatan, iuwi mo na si Mahal sa atin. Kamam4tay lang ng tatay namin, dalawa na ang ililibing ko. Yung abo ni Papa, nasa bahay pa tapos ngayon, si Mahal.”

“Kailangan siyang i-cremate and then later, we will post yung wake niya kasi ang dami nagre-request na magpaalam sa kaniya. Lagi kaming nag-uusap ni Mahal pero last few days, hindi siya nagsabi na may sakit. Lahat sila itinago sa amin na may s4kit si Mahal. Kanina lang sinabi nung malala na yung kalagayan ng kapatid ko. Kaya sabi ko, wala nang sumbatan. Iuwi na lang sa amin si Mahal. Nahihirapan ako kasi hindi ako makauwi sa Pinas nandito ako sa Cleveland, Ohio.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *