Mister maluha-luha nang dahil sa misis na may boyfriend reveal video sa TikTok!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi mapigilan maging emosyonal ang mister na ito nang makitang may kasintahan ang kanyang misis sa social mediaat may video reveal pa ito sa TikTok. Halos madurog ang puso nito dahil sa nalaman na katotohanan. 

Kaya naman agad itong dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action. Kinilala ang mister na si Brian Aliporo at inireklamo nito ang kanyang misis. 

Dinepensahan ng kanyang misis ang bintang ng kanyang mister, at sinabing pinagseselos lamang umano nila ang kanyang asawa at wala umano itong malisya. 

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang mister lalo at aniya ay nakita niya ang mga videos ng mga ito. Nauna na rin umano nitong sinabi sa kanya na boyfriend niya ang lalaking kasama sa kanyang mga TikTok videos. Hindi nadin nagsalita pa ang misis nito at ayaw na makipag-usap sa programa. 

Nagmensahe naman si Brian upang iparating sa misis, “Pinapasakit ang ginawa mo sa akin, gusto na kitang ipakûlong, hindi ka na naawa sa dalawa nating anak.”

“Nagutańg-utàng ako para makaalis ka lang para mabayaran natin ‘yung una mong alis,” dagdag pa niya.

Ipinagpangutang pa umano niya ang pagpunta ni misis sa abroad. Isa sa kanyang mga problema ay ang naiwang utang na inasahan niyang mababayaran sana kapag nagtrabaho na sa ibang bansa ang kanyang asawa.

Samantala, marami naman sa mga viewers ang nakisimpatya sa dinanas ng mister dahil bukod sa naiwang utàng ay may mga anak pa sila na nasa pangangalaga niya. Umalis daw ang asawa subalit isang buwan lamang ang nakalipas ay bumalik ito ng bansa at umuwi na sa bagong nobyo.

Base naman sa mga videos, isang security guard ang lalaki. Nagbigay ng tulong su idol Raffy sa mag-aama at binayaran ang kanilang mga utang.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng mister sa tulong na ibinigay ni Raffy dahil kahit papaano ay hindi na niya iisipin ang mga bayaring utang sa mga bombay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *