Miss World Philippines 2nd Princess Janelle Lewis inaming boyfriend na si Kiko Estrada! Heaven Peralejo nagparinig!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Inamin ni 2021 Miss World Philippines 2nd Princess  Janelle Lewis na magkasintahan na sila ng Kapamilya actor na si Kiko Estrada. Naunang mag-post sa kanyang tiktok account ang dalaga at proud itong pinakita ang kanilang sweet moments ni Kiko Estrada. Sa isang press screening ng pelikulang “Takas” na pinagbibidahan nila ng Kapuso actor na si Teejay Marquez, ikwenento nito kung paano sila nagkakilala ng aktor na si Kiko. 

“Patay tayo diyan…yes po. Na-caught off guard ako du’n, a!” ang tila nahihiya pang tugon ng beauty queen nang tanungin kung si Kiko mga ba ang tinutukoy niyang boyfriend.

Photo Courtesy: Tiktok/ Janelle Lewis

Gaano na sila katagal? “A few months pa lang po kami. I won’t say how many na lang, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”

Mariin ding sinabi ni Janelle na walang ahasan o agawang nangyari dahil matagal na raw magkahiwalay sina Kiko at Heaven Peralejo bago pa sila pinagtagpo ng tadhana.

“They were finished a few months before I came in to the picture,” ang paglilinaw ng dalaga.

Naging close raw sila ni Kiko dahil pareho silang nasa pangangalaga ng management team ni Arnold Vegafria. 

Kwento pa ni Janelle, hindi nila inaasahan na mabilis mag-viviral ang ginawa nilang TikTok video ni Kiko para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan. Naichika din ni Janelle na si Kiko ang unang celebrity na naging boyfriend niya at all-out daw ang suporta ng aktor sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

Photo Courtesy: Tiktok/ Janelle Lewis

“Minsan po it’s very intimidating, kasi siyempre he’s been in the industry about 10 years now.

“But he would also help somehow when it comes to the character. He would explain to me how you do this, how you do that, and how you would look more natural.

“I think, it’s kinda both. It’s very intimidating but at the same time it’s very helpful. Kasi he makes sure I get the character where I’m supposed to go,” aniya pa.

Nakiusap naman ang aktres na huwag nang magdetalye tungkol sa relasyon nila ni Kiko dahil nais daw nila itong gawing pribado sa ngayon. Ngunit, marami naman ang ginawang issue ang latest Tiktok Video ni Heaven Peralejo na kasabay din inupload sa Tiktok video ni Janelle na tila nagpaparinig umano ito sa kanyang ex-boyfriend na si Kiko Estrada.

Photo Courtesy: Tiktok/ Heaven Peralejo

Sa video ni Heaven na may Lyrics na, “Fool me one time, shame on you. Fool me twice, blame on you. Fool me three times….” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *