Mga mahal sa buhay ng Komedyanteng si MAHAL, Binalikan ang kanyang mga Alaala!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Una kong nakita sa Facebook ‘yung tungkol kay Mahal. Hindi talaga ako naniwala! Sabi ko, ‘Saan mo naman nalaman ‘yan? Baka fake news lang ‘yan!’

Maraming nagcha-chat sa akin. Sabi ko sa kanila, ‘Hindi ako naniniwala sa inyo!’Hanggang sa nabalita na sa TV. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Hindi ako maka-move on. 

Photo Courtesy: Facebook/ KMJS

Ang lakas-lakas pa niya nu’ng pumunta rito. Tawa lang siya nang tawa.Pero sa isang iglap lang, nawala na ‘yung partner ko sa TV. Kahit papaano, nakapunta siya rito, nakasama ko siya ulit kahit sa sandaling pagkakataon. 

Binigay niya ‘yung makakaya niya para mapasaya ‘yung mga tao rito.Ang sakit kasi parang nawalan ako ng kapatid.Sana napuntahan ko man lang siya. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya.”

-Mura

Photo Courtesy: Facebook/ KMJS

“Sobrang bilis po talaga ng pangyayari. Parang sa isang iglap, nawalan kami ng kapatid. Hindi pa po namin siya nayayakap after mamatay ng Papa namin nitong taon. Ang dami pong panghihinayang. Sana mas nagkaroon pa kami ng oras na makasama siya.

Sobrang mapagbigay po si Ate Mahal bilang kapatid. Kung anong gusto mo, ibibigay niya sa’yo. 

Itong year na ‘to, iba po ‘yung kasiyahan na nakita namin sa kanya. Para bang last niya na kasi. 

Sobrang sakit po sa loob na hindi ko siya inabutan. Hindi ko siya naalagaan.” 

-Lany Tesorero & Jason Tesorero

mga kapatid ni Mahal

Photo Courtesy: Facebook/ KMJS

“Hindi ko ma-imagine kung gaano kalungkot ‘yung mundo ngayong wala na si Ate Mahal. 

Siya ‘yung lagi kasing nag-aalaga sa’yo. Tatanungin ka niya, ‘Kumain ka na ba?’ 

Sa liit na panahon, hindi ko matatawaran ‘yung naging bonding namin at ‘yung

mga napagsamahan namin. 

Pinag-uusapan nga namin ni Ms. Ai, kung kailan tayo nakahanap ng totoong kaibigan sa trabaho natin, ngayon pa tayo nawalan ng isa. 

Photo Courtesy: Facebook/ KMJS

Sobrang miss na miss ka namin, Ate Noemi. Iba talaga ‘yung nabibigay mong happiness sa amin nu’ng nandito ka. Sana hindi ka na nahihirapan. Mahal na mahal ka namin.” 

– Kiray Celis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *