Lyca Gairanod, Hinanap at Tinulungan ang Isang Lolang Namamasura.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  


Isang lola ang ipinahanap ng kapamilya young singer na si Lyca Gairanod. Ang nasabing lola ay patuloy sa pangangalakal ng basura sa kabila ng edad at karamdaman nito.

Ito ay upang maipabot ang kaunting tulong at ayuda sa matanda dahil sa nakalulungkot na kalagayan nito sa buhay.

Ayon kay Lyca, nakaka-relate umano siya sa lola na nagngangalang lola Ising dahil nga noong 9 n taong gulang pa lamang siya ay namamasura rin siya upang makatulong sa pamilya.

Photo: Youtube/Lyca gairanod

Nauna rito, ipinost na ni Lyca sa social media ang video ni Lola Ising habang ito’y namumulot ng basura, “May nakita po akong matanda, kitang-kita ko po sa kanya yung ginagawa ko nu’ng bata pa ako.”

“Kaso iba nga lang kami ng story, kasi matanda na siya, e. Ako, medyo bata pa, kaya medyo okay sa akin.”

“Pero siya kasi, nu’ng nakita ko siya, talagang yung parang nabiyak yung puso ko. Alam mo yung nararamdaman ko nung nangangalakal pa ako.”

“Parang nakita ko sa kanya na sobrang hirap magtrabaho, tsaka sa tanda niyang iyon, nagtatrabaho pa rin siya,” kwento ng singer na ngaun ay 16 taong gulang na.

Maraming netizens ang nalungkot sa kalagayan ng matanda at sinabihan si Lyca na sana ay mabigyan niya ito ng tulong. Mabilis namang tumugon ang singer at pinahanap ang tinitirahan ni Lola Ising.

Photo: Youtube/Lyca gairanod

Sa YouTube channel ng singer ay mapapanood ang pagkikita ng dalawa sa isang barangay sa Malabon.

Sa nasabing video, makikita ang pamimili ni Lyca ng mga grocery items na ibibigay niya sa lola. Kwento niya, “Actually, nung bata ako, parang nakikita-kita ko na siya, e. So, parang sabay kaming nangangalakal dati.

“Nakita ko si Lola nu’ng bata pa ako. Hanggang ngayon nangangalakal pa rin siya.”

“Grabe, ano, sa tanda niyang iyon. Kahit ano’ng gawin, hindi ko talaga pangangalakalin yung lola ko kasi matanda na yun, e,” dagdag pa niya.

Dahil sa masikip na daan, hindi na nakapasok ang sasakyan nina Lyca sa kinanoroonan ng tahanan ni lola Ising. Kinakailangan pa nilang maglakad ng may kalayuan patungo sa bahay ng matanda.

Photo: Youtube/Lyca gairanod

Mas naawa si Lyca kay Lola Ising ng makita ang layo ng nilalakad nito araw-araw para makapangalakal ng basura kapalit ang maliit na halaga.

Malapit sa dagat ang bahay ni lola na kadikit ng iba pang mga barong-barong. Inabutan ni Lyca ang matanda na kumakain ng tinapay.

“Ngayon wala po akong kapera-pera. Kahit piso wala. Kasi bawal lumabas kaya kinakain ko na lang ito. May sakit kalahati ko katawan,” ang sabi ni Lola Ising sa singer.

Sambit pa niya kay Lyca, baka raw bilang na ang mga araw niya sa mundo dahil sa matinding hirap na dinaranas niya. Hindi naman daw siya maaaring tumigil sa pangangalakal dahil ito lamang ang pinagkikitaan niya.

“Hindi puwede tumambay, magpahinga ako. Wala ako pagkain,” saad ni Lola.

“Nakikita kita lagi pag nadadaanan ka namin. Naaalala niyo pa ba ako, ‘Nay?” pahayag naman sa kanya ng singer. Ngunit mukhang hindi na siya matandaan ng matanda.

Nang matanaw na ang mga regalong dala ni Lyca, maaaninag sa mukha ni Lola Ising ang sobrang kasiyahan, “Panginoon talaga mabuti. Buti na lamang makakapahinga ako.”

Habang nag-uusap ang dalawa ay sinabihan ni Lyca si Lola na dapat ay nagpapahinga na ito. Ngunit sambit nito sa kanya, “Paano ako magpapahainga wala naman ako pagkain?

“Namamasura, tapos ibebenta ko. Iyang kuwarto, binayaran ko pa iyan,” dagdag pa niya. Ayon kay Lola, P20 hanggang P30 ang kinikita niya sa pangangalakal.

Kwento pa niya kay Lyca, “E, ito ngang ibinigay niyo sa akin, makakapahinga na ako. Nagdadasal ako na may tutulong sa akin, bigyan ng mahabang buhay. Yung tulong niyo sa akin makakapahinga ako.”

Dagdag pa ng matanda, “Mahilig tayo sa Panginoon. Wag natin pakalimutan. Naglalakad ako diyan namamasura, mga altar kinukrusan ko iyan.

“Bigyan ako ng lakas pa ng katawan. Ang mga apo ko maliliit pa,” saad niya. Dalawa umano ang anak niya at isa dito ay may sakit din. May tatlo rin daw siyang apo na maliliit pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *