Lolo Narding, nagbalik na sa kanilang tahanan matapos ang isang linggong pagkakabilanggo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Agad na nagviral sa social media ang video nang makauwi na sa kanilang tahanan si Lolo Narding Floro matapos ang isang linggong pagkakabilanggo ng dahil lamang sa pamimitas ng Mangga. 

Photo Courtesy: News 5

Maraming netizens ang nahabag sa sitwasyon ni Lolo Narding sapagkat ito ay 80-anyos na at mahina na ang pangangatawan, marami ang nalungkot sa naging sitwasyon ni Lolo sapagkat dahil lamang sa mangga ay ganto ang kanyang kinahinatnan. Nanguha daw kasi ng sampung kilong mangga si Lolo Narding sa puno ng kanilang kapitbahay. Ayon naman sa ilang ulat ay sinabi ni Lolo Narding na siya ang nagtanim at nag-alaga sa puno ng mangga.

Photo Courtesy: News 5

Sa lupa din niya nakatanim ito noon ngunit nasakop na lamang ng kanilang kapitbahay. Marami ang tumulong kay Lolo Narding upang makalaya at makauwi na sakanilang tahanan. 

Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…” kwento ni Lolo Narding.

Photo Courtesy: News 5

Nakalaya ang matanda matapos magambagan ang mga puIis sa nasabing istasyon para sa kanyang piyansa. Maluha-luha pa ang matanda sapagkat sa tanang buhay niya ay ngayon lamang nangyari sakanya ang ganito. 

Laking pasasalamat ni Lolo Narding sa mga taong tumulong sakanya upang makalaya at nag-abot din ang mga ito ng pangaraw-araw na pangangailangan para sa matanda upang makaraos muli ito sa hamon ng buhay. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *