Lolo Narding, ibinahagi kung bakit pumitas at nagbenta ng 10-kilong mangga: “Ipambibili ng pagkain”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maluha luha ang mga netizens sa sinapit ng isang 84-anyos na Lolo sa Asingan, Pangasinan na si Lolo Narding, nag-viral ang kanyang mga larawan matapos itong inaresto ng dahil lamang sa pamimitas ng mangga.

Subalit, marami ang nagtatanong kung bakit nga ba ganon kadami ang mangga na ipinitas ni Lolo Narding. 

Photo Courtesy: News 5

Ayon sa interview sa matanda, may lumapit sa kanyang mga namamakyaw at nakisuyong magpapitas ng mangga. Pumayag daw siya sa halagang P1,000 para sa sampung kilong mangga. Hirap kasi sa buhay ang matandang binata at nakikisama lang sa bahay ng kapatid at mga pamangkin. Gusto lang daw sana niyang kumita nang kaunti para may pangkain,”

Photo Courtesy: News 5

Sadyang ikinalungkot ito ng karamihan at nakakadurog ng puso sapagkat nais lamang ng matanda na makaraos sa pangaraw-araw na pangangailangan. Ngunit, sa kasamaang palad ay mayroong mga tao na gahaman na imbes na magbigay ay ipapahamak pa ang ibang tao. 

“Ipambibili ng pagkain, bigas,”

Photo Courtesy: News 5

“Binibili lahat ng pagkain, wala kaming hanapbuhay.” Kuwento pa ni Lolo Narding na ang kanyang ama ang nagtanim ng punong mangga bago pa ito bakuran ng kapitbahay at sadya nyang kinalungkot ang nangyari sakanya. 

“Yung dahil sa mangga, bakit hinabla nila ako.”

Yung mangga ang dahilan. Kinausap ko. Ayaw naman magpaayos.” “Tanim namin yon, nung nagbakod sila, sinakop nila.”

Photo Courtesy: News 5

Samantala, ang pamilya na nagreklamo sa 84-anyos na si Lolo Nardo ay nagsalita na, ayon sakanila ay sila umano ang nagtanim ng punong mangga. Giniit ng isang ginang na ang kapatid umano nitong lalaki ang nagtanim at willing umano sila na iurong ang reklamo at nais din umano nila ma humingi ng tawad sakanila ang matanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *