Lalaking paralisado ang kalahati ng katawan, patuloy pa rin sa pagko-kopra para itaguyod ang sarili

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang namangha sa sipag at pagtitiyaga ni Jerome Nacaitona, bagama’t paralisado na ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay patuloy parin ito naghahanapbuhay upang makaraos sa pangaraw-araw na pangangailangan. 

Hindi naging hadlang ang kanyang sitwasyon upang patuloy na itag uyod ang sarili. Sa maliit na kawayang katre halos umikot ang buhay ni Jerome. Sa nakalipas na tatlong dekada, ito na rin ang nagsisilbi niyang opisina sa pagkokopra. 

“Pakiramdam ko noon, wala na akong silbi sa mundo. Hindi na kasi ako nakakalakad eh. Nawala na lahat ng mga pangarap ko. Pero ang napag-isip-isip ko, ang mahalaga, buhay pa rin ako.”

‘Wag mong sabihin na, ‘Mayroon akong deperensya, iba ako sa kanila.’ 

“Kasi tayo lang din naman mismo ang makakapagbigay ng pag-asa sa ating mga sarili. Kaya kahit ganito kalagayan ko, patuloy ako sa pagkokopra. Kapag ‘di ko ‘to ginawa, masasayang aking mga pangarap.Marami pa akong gustong magawa.”

Photo Courtesy: Facebook/ KMJS

“Kahit ganito ako, gusto ko pang mabuhay sa mundong ito. Marami nga na malalakas ang katawan wala na, tapos akong ganito buhay pa. Bonus nalang ito sa aking buhay na umabot ako rito.”-Jerome

“Kaya aking pakikinabangan itong bonus na ito.”, dagdag pa nito

Isang malaking inspirasyon ang hinatid ni tatay Jerome sa mga kabataan at mga tao na dapat magpatuloy lamang kahit na ano pa man ang hamon ng buhay. 

Photo Courtesy: Facebook/ KMJS

“Salute po tatay!!! grabe napaka optimistic and positive outlook in life. Godbless po.”

“Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat na hindi hadlang ang kapansanan para mabuhay ang pamilya sa marangal na paraan. ISANG MALAKING SAMPAL SA MGA WALANG INIINDANG KARAMDAMAN PERO PATULOY PA RING UMAASA SA TULONG NG IBA AT MGA MAGULANG.”

“Something i love about filipino is they are hard working despite having obstacles in life…This man really deserve a lot of credit and respect. Despite losing his legs he hasn’t lose his hopes . and some people who are healthy and still refuse to fraud should look at him and learn a lesson. May God bless you and you achieve all your dream.”

“He has an awesome mindset he is truly an inspiration and blessed.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *