‘Kuya Santa’ na naglalako ng mani, Naghatid ng saya at ngiti sa mga motorista ngayong padating na pasko!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hinangaan ng mga motorista ang isang lalaki na naglalako ng mani sa gitna ng kalsada. Marami ang natuwa sa costume ng lalaki na nag ala-Santa Claus habang nagtitinda sa kahit pa tirik na tirik ang araw, hindi alintana kay kuya ang init ng panahon para lamang kumita at maitaguyod ang pamilya.

Nag-viral sa tiktok ang video na ito ng lalaki, ibinahagi ito ng tiktok user na si @justinRundall. Sa kanyang video na ito na may caption na “Saludo ako sayo, Kuya!, marami ang humanga at napabilib na netizens dahil sa pagtitiyaga ng lalaki. 

Photo Courtesy: Tiktok/ @justinRundall

Hatid ni kuya ang mapasaya ang kanyang mga customers ngayong pasko, at kahit sa munting pamamaraan na ito ay madami ang natuwa at hindi mapigiling mapangiti dahil buhay na buhay ang diwa ng pasko sa pinakitang ito ni Kuya. 

Naging inspirasyon si Kuya sa lahat ng mga taong nakakita ng kanyang video, umani ito ng maraming komento sa mga netizens;

@Dawn:Naiistress ako sa work ko. Pero nakita ko si tatay, grabe nakahinga ako. Thank you tay!

@Jam dela Cerna :Grabe yung effort nya para mag bihis ng ganyan. Merry Christmas, Kuya!

@Calisenpai:when u appreciate every small thing God has given. God bless you, Kuya! 

@Reyjane Ramayrat:May this man receives more blessings from above. Such an inspiration.

@dhor’s:parang si kuya nag pa ramdam sakin na my pasko pa.

@Paularose Mesias:actually nasa punto nko ng buhay ko na gusto ko ng sumuko. pero thank you for this. I SALUTE YOU MANONG!

Photo Courtesy: Tiktok/ @justinRundall

Hiling ng mga netizens sa lahat ng makakakita kay kuya, ay nawa bumili ito sakanya at malaking biyaya na ito para sa kanyang pamilya at masuklian ang kanyang pagsusumikap. Madalas umano maglako si kuya sa C5 flyover sa may Makati. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *