KRIS AQUINO nauubusan na ng ugat para sa karayom ngunit patuloy padin ang paglaban!-‘Mahaba pa ang laban ko!’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mismong si Queen of All Media Kris Aquino ang nagpahayag na buhay na buhay pa siya sa kabila ng mga balita na pumanaw na siya. Wala umanong katotohanan ang mga ganitong balita. 

Sa Instagram, nag-post si Kris ng videos habang kinukunan siya ng dugô nitong Lunes. “Sandali ah. Para may proof of life tayo, Ikaw tatanungin ko. What’s today?” aniya sa nurse

“February 7,” sagot ng nurse.

krisaquino/Instagram

“Thank you. Buhày po ako ah. February 7 today. Happy birthday to my nephew Miguel. Sorry ninang has not greeted you kasi ninenerbyos at bawal ma-stress. So kung aawayin n’yo ko, do it February 8,” hirit naman ni Kris.

Samantala, nagpasalamat siya sa nurse dahil agad itong nakahanap ng ugat para turukan ng karayom.

Naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile and weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng eight attempts to get the line successfully in,” aniya.

Tuwang-tuwa naman ako,” ani Kris. “Because the last time, so that’s January 2, talagang Wala. I was so dehydratèd na walang dugô.”

“Ang galing mo. Ikaw na lang forever dapat kumuha ng blood ko,” sabi niya sa nurse.

krisaquino/Instagram

Inamin ni Kris Aquino na hindi okay ang kanyang health dahil sa auto-immune diseasè na dinaranas niya.Sa kanyang post sa Instagram, isiniwalat ni Kris na nauubusan na siya ng ugat para sa IV line.

Pero sinabi ni Kris na hindi siya susuko.

“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *