KILALANIN! 73-ANYOS NA TINDERO NG POLVORON AT PASTILLAS, MALAPIT NG MAKAMTAN ANG KANYANG DREAM HOUSE!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nag-viral sa iba’t-ibang social media platforms ang isang 73-year-old na si Lolo Lito o mas kilala bilang ‘Lolo Pops’, simula pa lamang taong 2016 ay kilala na ito dahil sa pagtitinda ng lollipops sa labas ng eskwelahan sa Angeles, Pampanga. Marami ang natuwa at sumuporta kay Lolo Pops dahil sa kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga, kahit pa tirik ang araw ay hindi ito sumusuko sa pagtitinda. 

Photo Courtesy: Facebook: Mia Arias

Isa si Lolo Pops sa mga naapektuhan ng pandemya, nagsara kasi ang pagawaan ng candy na kanyang pinagkukunan ng paninda kaya napilitang siyang tumigil. 

Pero ‘it’s never too late to pursue your dreams’!

Photo Courtesy: Facebook: Mia Arias

Dahil sa pagpupursige din ni Lolo sa loob ng isang taon, ang bunga ng araw-araw na pagtitinda ng pastillas at polvoron sa kalsada o kaya naman sa tabi ng fastfood chains, malapit na nitong ma-achieve pagpapagawa ng pangarap na bahay!

Photo Courtesy: Facebook: Mia Arias

Marami ang humanga sa matanda at naging inspirasyon pa ito sa ilan, kaya naman todo din ang suporta ng ating mga kababayan upang lumago ang business ni Lolo Pops. Maraming netizens ang nagshare sa shopee account nito sa social media kaya naman dumami ang nagfollow at patuloy na umoorder sa mga paninda ni Lolo Pops. 

Umabot na sa mahigit 50K followers ang kanyang account at mayroong 5.0 na shop rating, napakarami ang magagandang reviews sa mga produkto ni Lolo.

Photo Courtesy: Facebook: Mia Arias

“46.5k na yung followers ni Lolo sa Shopee!! Let’s help him by simply sharing his shopee store po and pwede din tayong mag order ng mga tinda nya para tuloy tuloy ang source of income ni lolo, sobrang sarap ng mga tinda nya guys, I swear. Credits to Ms. Yannie Yhan”

Photo Courtesy: Facebook: Mia Arias

Dahil sa walang sawang suporta ng mga netizens ay malapit na ma-achieve ni Lolo Pops ang kanyang Dream House para sa kanyang minamahal na pamilya. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *