Joshua Garcia inamin kung kaninong celebrity siya nagka-crush ng malala!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Inamin ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi na ang biggest crush nito ay ang aktor na si Joshua Garcia, kaya naman marami na ang mga fans na shiniship ang dalawa, subalit madami ang nagtatanong kung sino nga ba ang celebrity crush ng aktor. 

Photo Courtesy: Kapamilya online world

Sa latest interview ni Darla Sauler kina Daniel Padilla, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia agad nitong tinanong ang tatlo kung sinong leading lady sila nagka-crush ng malala!!

Agad na sinagot ito ni Zanjoe Marudo at ang sagot nito ay si Jodi Sta. Maria, samantala sinagot naman ni Daniel Padilla kung sino ang leading lady crush ni Joshua Garcia..

Photo Courtesy: Janella Salvador

Binulong pa ito ni Daniel kay Zanjoe ng malakas “Janella”, agad naman itong pinatotohanan ni Joshua at inaming kay Janella Salvador siya nagkacrush ng malala. 

Photo Courtesy: Facebook/ Joshnella

Matatandaan nga na naging loveteam ni Joshua Garcia si Janella sa serye na “The Killèr Bride” at matapos ang programa ay nagkaroon pa sila ng mga projects, subalit hindi na nagpatuloy ang tambalan dahil narin sa pagbubuntis ni Janella. 

Photo Courtesy: Facebook/ Joshnella

“The one that got away” ito ang sigaw ng mga fans sa #Joshnella shipper. Hindi man naipagpatuloy ang tambalan ay hindi mapagkakaila ang chemisty ng dalawa.

Photo Courtesy: Facebook/ Joshnella

Sa pinakabagong serye ng ABSCBN na “Darna”, na pinagbibidahan nina Jane de Leon at Joshua Garcia, muling magkakasama ang dalawa, subalit ito’y magiging love triangle sapagkat si Janella ang gaganap ng Valentina. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *