It’s Official! Vice Ganda at Ion Perez Ikinasal na! Silipin ang kanilang simpleng wedding sa Las Vegas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Vice Ganda revealed in her youtube channel what happen last October 21, 2021, in Las Vegas.

“FINALLY VICE AND ION OFFICIALLY TIED THEIR COMMITMENT CEREMONY!!!  ❤️

Ion: Today I commit myself to you.

Vice: Noy, today I commit myself to you

Isiniwalat nina Vice Ganda at Ion Perez na sumailalim sila sa wedding commitment ceremony noong nakaraang taon.

Photo Courtesy: Vice Ganda vlog/YouTube
Photo Courtesy: Vice Ganda vlog/YouTube

Sa vlog na pinost nitong Linggo ng gabi ni Vice mapapanood ang video ng ceremony na ginanap sa  Little Vegas Chapel sa Nevada nitong October 19.

Sa palitan nila ng vows, sinabi ni Ion: “Nandito ako na buong-buo ‘yung loob ko na makasama ka. Wala akong ibang masabi kundi mahal na mahal kita.” 

Photo Courtesy: Vice Ganda vlog/YouTube

Sagot ni Vice: “Mahal na mahal din kita…. Ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at ikaw ‘yung kasama ko kahapon at ikaw ‘yung makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod na araw. ‘Yun ang pinagdadasal ko na sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ‘yung kasama ko at ako pa rin ‘yung kasama mo.” 

Photo Courtesy: Vice Ganda vlog/YouTube

“Sa lahat ng gagawin ko sa buhay ko, isa ka sa magiging inspirasyon ko. You will be one of the best reasons for all of my achievements. And I promise, na isa ka sa magiging dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ulit bukas at sa mga susunod na araw,” dagdag niya.

Photo Courtesy: Vice Ganda vlog/YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *