Isang Pinay OFW sa Hongkong, pinamanahan ng kanyang amo ng mahigit PHP25M na ari-arian!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang ating mga OFW ay maituturing din nating mga bayani dahil sa kanilang paghihirap at pagsisikap sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang kwento kung paano nila nalalagpasan ang hirap ng buhay na mawalay sa kanilang mga pamilya.

Katulad na lamang ng kwento ng buhay ng isang Pinay OFW sa Hongkong na si Daisy Bucad-Eng na nagmula sa Mountain Province. Siya ay dating tindera ng asin bago siya nagtrabaho sa ibang bansa. Sinong mag-aakala na ang kanyang pagsusumikap na magtrabaho sa ibang bansa bilang isang katulong ay masusuklian ng isang napakagandang pangyayari na magpapabago sa kanyang buhay. 

Photo Courtesy: KMJS

Dahi napakaswerte niyang makatagpo ng isang among mabait na pinamanahan siya ng ari-arian nito na apartment building at stocks na nagkakahalaga ng Php25 million. Ito ay pinamana umano kay Daisy ng kanyang namayapang amo kung kaya’t siya ay naging instant milyonarya. Nagmamay-ari na si Daisy ngayon ng 5-story apartment building, lupain, bahay, alahas at pera.

Ayon kay Daisy, 16 na taong gulang lamang siya ng siya ay nag-asawa at nagka-anak. Para kumita siya ng pera noon ay nagtinda siya ng asin sa Besao, Mountain Province. Nagsimula sa mahirap na pamumuhay ngunit ngayon ay Big Time na! 

Ibinahagi niya ang kanyang kwento sa isang episode ng ‘KMJS. Aniya pa, “Yung mga taga-Benguet ba talagang matakaw sila sa asin. Kasi isa pa, sa mga baboy nila, sa mga baka.” Kumikita lamang umano siya ng Php100 hanggang Php300 kada araw sa pagbebenta ng asin.Pero dahil sa paghahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, nagtungo siya sa Hong Kong para mamasukang katulong.

Ang matandang Portuguese ay tumangging tumira sa isang home for the aged at nagpaalaga na lang ito kay Daisy. Nang magdesisyong umuwi sa Pilipinas si Daisy, sumama si Marie. Kuwento pa ni Daisy, “Namamasyal kami doon sa Manaoag, lahat ng mga Catholic na simbahan.”

Photo Courtesy: KMJS

Hanggang sa bawian ng buhay si Marie dito sa Pilipinas noong 2002. Ani Daisy, “Wala na pala. Yung puso niya lumobo.” Halos labing-isang taong pinagsilbihan ni Daisy si Marie.Ang mga labi naman ni Marie ay ipinauwi sa Hong Kong ng kanyang mga kaanak.

Kaya isang araw, may dumating na sulat para kay Daisy. Ito ang last will and testament ni Marie, kung saan nakasaad na kasama si Daisy sa kanyang mga pinamanahan.

Pagbabalik-alaala pa ni Daisy, “Yung mga stocks sa iba-ibang company.”

“Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon.”

Hindi makapaniwala si Daisy sa pagbabago ng kanyang buhay, at nang makuha ni Daisy ang kanyang mana, nagpatayo siya ng five-storey building na may penthouse sa Mountain province. Ang kanyang penthouse ay may mga transient homes, gym, at for rent spaces for commercial establishments, at events place for rent. Mababakas sa building ni Daisy ang kultura at tradisyon ng kanyang pinanggalingan dahil maging ang mga furniture ay inspired by the Igorot culture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *