Isang Lola na matagal nanilbihan bilang OFW, muling pinaghanap-buhay ng mga anak at pinagawan lamang ng kariton!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nag-viral ngayon sa social media ang mga larawan ng isang Lola na may nakakaluhang kwento, makikita sa larawan na nagtutulak ito ng kariton sakay ang kaniyang panindang kakanin.

Isa itong kwento na umantig sa puso ng mga netizens, dahil ang matandang babae na kinilalang si Nanay Leticia Ferrer, ay may mahina ng pangangatawan ngunit patuloy padin ito sa paghahanap-buhay upang may makain sa araw-araw. 

Marami ang nagtatanong at nagtataka kung bakit nga ba sa kanyang katandaan ay patuloy pa ring nagtutulak ng kariton at naglalako ng kanyang mga paninda si nanay Leticia?

Photo courtesy: Facebook page One Cavite

Ayos sa post sa Facebook page na One Cavite, isang dating OFW si nanay Leticia sa Hong Kong. Matagal itong nanilbihan bilang domestic helper sa Hong Kong upang maitaguyod ang mga anak na maagang naulila sa kanilang ama.

Sinakripisyo ang mahabang panahon na di kapiling ang 5 anak mabigyan lang ng magandang buhay, mapag-aral at ng di danasin ang hirap na dinanas nya..Sa isip nya ok lang magtiis para sa mga anak tutal kapag nakatapos sila sa pag-aaral, sila naman mag-aalaga sa kanya…'” ayon sa post.

Nagawang mapagtapos ng pag-aaral ni nanay Leticia ang limang anak at lahat ng mga ito ay mga kani-kaniyang trabaho at namumuhay ng maayos. 

Photo courtesy: Facebook page @ One Cavite

Hanggang sa nagkaroon na ng kani-kanilang pamilya ang kanyang mga anak. Wala ni isa sa kanyang mga anak ang kumupkop sa kanya at alagaan.

Bagkus, pinagawaan na lamang ang matanda ng isa sa kanyang mga anak ng rolling-store para matugunan umano ang pang araw-araw nyang pangangailangan ng matanda.

At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa pagsusumikap si nanay leticia at namumuhay mag-isa sa isang relocation area sa Fairview.

Marami ang nahabag sa sitwasyon ng matanda, at umani ito ng samut-saring reaksyon sa mga netizens. Ang kwento ni Lola ay isang aral para sa mga anak na ibalik din natin ang pagmamahal at pag-aaruga sa ating mga magulang sa kanialng pagtanda. Sigurado ay maliligayahan na ang ating mga magulang sa maliit na sakripisyo na ibabalik natin sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *