Isang lalaki iniwàn ang kaniyang 1-taong gulang na anak habang nagsasaya sa bago nitong karelasyon!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon, maraming mga magulang ang nagsusumikap upang mataguyod ang mga anak at matugonan ang kanilang pangangailangan. 

Ngunit, marami sa mga kababaihan ngayon ang mag-isang binubuhay ang kanilang mga anak. Ang pagiging single mother ay nakakaabot din ng tulong galing sa pamahalaan upang sila ay matulungan na maitaguyod ang kanilang mga anak.

Photo Courtesy: Claire Khis Sunio

Ibinahagi ng isang single mother ang kanyang naging karanasan sa dati niyang kinakasama, at umani ito ng samut-saring reaksyon. 

Nag-viral ang post ng single mother na kinilalang si Claire Khis Sunio patungkol sa ginawang pagpapabaya sa kanila ng ama ng kaniyang anak. Ang ama ng kaniyang anak na nakilalang si Wilfer Gutierrez at walang-puso umanong pinabayaan ang kaniyang anak. Kaya naman sa post ni Claire, idinetalye niya kung paano basta-basta na lang iniwan ni Wilfer ang kanilang isang taong gulang na anak. 

Photo Courtesy: Claire Khis Sunio

Dito sinabi ni Claire na hindi ito nagpapadala kahit sentimo para lang masuportahan ang kanilang anak. Dahil na rin sa sama ng loob kaya naihayag ni Claire sa kaniyang facebook account ang kaniyang galit. At hindi na rin talaga nakapagtimpi si Claire kaya sinupalpal niya sa social media ang ama ng kaniyang anak dahil sa hind pagsustento nito habang nagsasaya ito sa bago niyang girlfriend na nagdadalangtao rin.

Photo Courtesy: Claire Khis Sunio

Inihayag din ni Claire na walang konsensiya ang lalaking ito dahil ang nanay niya na lamang ang nagbibigay sa kaniyang apo, samantalang si Wilfer bilang ama ay walang pakialam sa kaniyang anak at inabandona na ng tuluyan ang bata. 

Wala man lang ipinakitang pagmamahal at suporta si Wilfer sa kaniyang anak pero nagsasaya sa piling ng iba. Lumipas umano ang naging kaarawan nito kahit pagbati at pangangamusta umano ay hindi niya nagagawa bilang isang ama. Na talaga nga namang labis na ikinagalit ni Claire. 

Sa kalagayan ni Claire, hindi siya masisi na maglabas ng saloobin sa ama ng kaniyang anak kung tutuusin pwedeng-pwede siyang kasuhan kung talagang gugustuhin ni Claire na siya ay maparusahan. Ginawa ito ni Claire para maipagtanggol ang kaniyang anak mula sa pag-aabandona ng sarili nitong ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *