Isang “humble” beauty queen ang hindi ikinahiya ang pagtitinda ng “Siakoy” sa gitna ng pandemya para makatulong sa pamilya!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil nauso sa panahon ngayon ang Miss Universe ay maraming mga kabataan ang nangangarap na maging isang matagumpay na beauty queen at makapagbigay ng karangalan sa ating bansa. Subalit bago pa man makamit ang tagumpay ay marami pa ang pagsubok na pagdadaanan at maranasan sa kanilang mga buhay. 

Ang depinisyon ng isang ganap na beauty queen ay hindi lamang masusukat sa pagiging maganda, seksi, at matalino kundi pati narin ang pagtulong sa komunidad at pagkakaroon ng bukal na kalooban. 

Photo Courtesy: The daily feed

Isang halimbawa dito ay ang beauty queen na ito kung saan hindi lamang ganda ang panlaban kundi pati narin ang pagiging madiskarte sa buhay. Siya ay walang iba kundi si Monika Afable. Siya ang maganda at mapagpakumbabang “beauty queen title holder” na minsan nang kinoronahan bilang “Sinulog Queen”.

hindi naging hadlang sa dalaga ang kaniyang korona para unahin tumulong sa kaniyang pamilya. Sa gitna kasi ng pandemya ay hindi niya ikinahihiya ang pagtitinda ng “Siakoy” upang mayroon silang panggastos sa pangaraw-araw.

Photo Courtesy: The daily feed

Minsan na siyang naitampok sa social media page ng Pageanthology-101 Philippines kung saan makikita si Monika na mayroong hawak-hawak na isang lalagyan na puno ng paninda niyang “Siakoy”. Simple lamang ang kanyang pananamit at umaapaw ang kanyang natural na ganda. 

Photo Courtesy: The daily feed

Ayon sa mga nakakakilala sa dalaga ay nasa Grade 10 pa lamang ito noon nang tanghalin siyang Sinulog Festival Queen 2020, tinalo lang naman niya ang sampung mga contestants ng naturang patimpalak. Maliban sa korona na ito ay naiuwi rin niya ang “Miss Mega Sardines”, “Miss Tender Juicy”, “Miss McDo Queen” at “Miss Robinsons Galleria”. Maging ang “Best Runway” tatlong araw bago ang Sinulog Queen ay nasungkit niya rin. Marami ang humanga sa galing at diskarte nito sa buhay lalo na ang pagiging masipag nito. 

Photo Courtesy: The daily feed

Naging mabuting ehemplo si Monika sa ilang mga kabataan na pagbutihin pa ang pag-aaral at pagsusumikap upang makamtan nila ang pinapangarap at makatulong sa pamilya. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *