Isang bata, Patuloy na nag-aaral sa gilid ng daan sa kabila ng pagbuhos ng ulan! Napabilib ang lahat!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  


Nakakatunaw ng puso ang mga eksenang ito, kung saan makikitang patuloy na gumagawa ng takdang-aralin ang batang ito sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Hindi nga mapigil ang pagpupursige ng bata na matuto at matapos ang kaniyang pag-aaral kahit pa na umuulan at wala silang maayos na tirahan.

Napahanga ang mga netizens sa ipinakitang determinasyon ng bata, Di tulad ng ibang bata na naglalaro lamang sakanilang mga bahay.

Photo: Facebook/ Oliver Posadas

Hindi naging balakid ang ulan at pilit pa nitong tinatakpan ang sarili upang hindi ito mabasa at maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Umani ito ng mga nakakatuwang reaksyon at marami ang nahabag sakanyang kalagayan. 

Hindi maiwasan ng mga netizens na maluha sapagkat kahit na hirap ito sa buhay ay hindi parin ito sumusuko. Isa itong napakagandang inspirasyon sa lahat, na sa kabila ng kahit ano pang sitwasyon, kung may determinasyon at sipag ay lahat ng pangarap ay makakamit.

“Watching this video, I just realised how blessed I am. That I must be grateful for the little things that I have.”

“i want to hug her….keep on studying little girl…God loves you so much”

“this should be a lesson, to anyone. And that we must be thankful for what we have in life. Some or most of people are struggling, battling thru hardship of life. You are truly an inspiration little girl may God bless you”

Tunay nga na ang edukasyon o pag-aral ay napakahalaga hindi lamang sa ating mga Pilipino kundi sa lahat ng tao ng mundo sapagkat ang edukasyon ay kayamanang hindi naaagaw ng kahit sino man. Lahat pweding mawala sa iyo, pero ang iyong karunungan ay hinding hindi mananakaw. Dahil dito, hangad ng mga magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *