Isang Ama, Napagtapos ang mga anak dahil sa Paglalako ng mga Ipit o Scrunchies sa Kalsada!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

✨ THE LOVE OF A FATHER ✨

Lahat gagawin ng isang ama, para sa kanyang mga anak. Ngayong Father’s Day nag-viral sa social media ang post ng isang netizen kung saan namataan niya ang isang Ama na nagbebenta ng mga scrunchies o ipit na negosyo ng kanyang mga anak.

Photo: Facebook/Karissa Mae Nievera

Napaka sarap isipin na nagdala lamang si Tatay ng Hanger na pansipit para isabit ang mga pang-ipit sa buhok upang maibenta ang mga ito. Hindi din naging alintana kay tatay ang init at pagod na kanyang nararanasan sa kalsada. Lahat nga ay kayang gawin para lamang sa pamilya, eto rin ang kanyang pagsuporta sa negosyo ng kanyang mga anak. 

Siya nadin ang nagvolunteer na maglako ng mga pang-ipit sa buhok upang hindi na mahirapan ang kanyang mga anak. Ibinebenta ito ni Tatay sa halagang P10 lamang. Napaka cute din ng kanyang mga binebenta na scrunchies, ngayong panahon nga ay nauso ang mga ganito sa mga kabataan.

Maraming netizens ang na touch sa ginawang ito ni Tatay, dapat nga na laging pahalagahan natin ang ating mga magulang dahil sila lamang ang nandiyan lagi para saatin lalo na sa pag-abot ng ating mga pangarap.

Photo: Facebook/Karissa Mae Nievera

Dahil sa pagsisikap na ito ni Tatay ay napagtapos niya ang kanyang mga anak sa Kolehiyo. At proud na proud ang kanyang mga anak sakanya dahil sa walang sawa niyang pagsuporta sa mga ito.

Heto naman ang naging kabuuang post ng Netizen na si Karissa Mae Nievera;

Photo: Facebook/Karissa Mae Nievera

“Was walking along Puregold Monumento when we saw Tatay selling these cute scrunchies for only 10php. He is Tatay Geronimo, a hardworking husband to his wife and loving Father to his children. If you get a chance to go to Monumento in the morning please buy some of his scrunchies so that he’ll get home early and enjoy the time with his family.❤️ 

The scrunchies are good in quality! Let’s help Tatay Geronimo.

Happy Father’s Day to all of our hardworking Superman! We love you! 🥰

‼️ UPDATE ‼️

To everyone who wishes to order online you may contact them at 09457282237 or message one of Tatay Geronimo’s son. It’s Geronimo Tolibas Jr. “

Photo: Facebook/Geronimo Tolibas Jr

Marami ang napabilib kay Tatay na handang gawin ang lahat para masuportahan ang mga anak sa kanilang nais na maabot na pangarap. Simpleng bagay man ay katumbas nito ay napakalaking tuwa at ngiti para sa kanyang mga anak. Kaya dapat lagi natin mahalin ang ating mga Tatay at maging mga Nanay. Pahalagahan natin ang bawat sakripisyo na kanilang ginagawa para saatin. 

SALUDO KAMI SA LAHAT NG MGA TATAY SA MUNDO! Happy Father’s Day sa lahat and GODBLESS!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *