Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano magkaibigan lamang umano, Ngunit si Xian Gaza ay may pasabog tungkol sa dalawa!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Happy Birthday to this beautiful soul 🤍🥺 Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise” 

Ito ang caption sa latest na upload ng isang sikat na influencer na si Kimpoy Feliciano sa kanyang instagram account. Umani ito ng maraming komento sa netizens at muli nanamang naging laman ng mga pahayag si Heaven Peralejo.

Photo Courtesy: Facebook/ Kimpoy Feliciano

Matatandaan nga na marami ang pambabatikos na ibinato sa actress matapos nitong madawit sa relasyon at hiwalayan nina Kiko Estrada at Devon Seron.

Netong mga nakaraang buwan ay inamin nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo ang kanilang relasyon sa publiko at makaraan ng ilang linggo ay nagbreak din ito sa hindi malamang dahilan. 

Photo Courtesy: Facebook/ Kimpoy Feliciano

Matapos ang kanilang hiwalayan ni Kiko Estrada, inamin ni Heaven Peralejo na nais muna niyang hanapin ang kanyang sarili at matutong mahalin ang sarili. Naging tahimik man ito ng ilang buwan, muling niyanig ni Heaven ang social media nang magkalat ang mga larawan nila ni Kimpoy sa social media.

Makikita sa mga larawan na tila sweet ang dalawa na nagsi-swimming sa dagat at ilog. Muli nanamang dumami ang pambabash sa aktres at agad naman itong dinepensahan ni Kimpoy Feliciano.

Photo Courtesy: Facebook/ Kimpoy Feliciano

Dahil sa lumabas na issue ay nakisali nanaman muli ang sikat na “Marites” na si Xian Gaza upang makidagdag sa usapin. Sa kanyang latest post ay pinapatamaan nito sina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano na tila iginigiit nito na may relasyon na ang dalawa. Bagama’t sinabe ni Kimpoy na sila ay magkaibigan lamang, marami paring mga netizens ang nagtataka sa kanilang pagiging sweet at malapit sa isa’t-isa.

Photo Courtesy: Facebook/ Christian Albert Gaza

Ano ang masasabi ninyo sa issue na ito? Pag-usapan natin yan sa comment section sa baba. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *