Harry Roque ‘humataw’ sa pagsayaw sa proclamation ràlly ng UniTeam

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Agaw pansin ang todo-bigay na pagsayaw ni Harry Roque sa ginanap na proclamation ràlly ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio na ginanap sa Philippine Arena nitong Martes, Pebrero 8.

Si Roque, ang dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kabilang sa 11 kandidatô sa pagkasenadör na iniendorso ng Marcos-Duterte tandem.

Sa harap ng libo-libong tagasuporta, humataw si Roque sa pag-indak sa entablado kasabay ang mga dancers sa saliw ng kaniyang campaïgn jingle.

Hati naman ang reaksiyon ng mga netizens sa sayaw ni Roque na nagtrending sa social media. 

Bagama’t maraming supporters ni Bongbong at Inday Sara ang naaaliw sa paghataw ng dating Malcanang official sa entablado marami rin ang hindi natuwa.

Tanong ng ilan, kailangan daw ba talagang sumayaw at kumanta ng mga kandidato upang makakuha lamang ng boto?

“I cringe everytime i see some who is running for a national position do this onstage. Ano, for the votes? Anyone who does this is a definite X on my list,” ayon sa isang netizen.

“Dancing won’t change his values, character and ways. Wise voters will not vote for him,”

Imagine, fully humiliating yourself just because you truly want to serve the Filipino people… ‘yung walang bahid ng pagnanasang nakawin ang pera ng taumbayan at abusuhin ang ibibigay na kapangyarihan? Yung totoo?” tanong rin ng isa pang netizen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *