Francine Diaz nakatanggap ng mensahe sa “All Of Us Are Dead” Korean Actor na si Yoon Chan-Young sa Instagram!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Trending ngayon sa social media ang Korean zombie series na “All of us are Dead” kung saan ito ay kwento ng isang Zombie Apocalypse. Umere ang palabas na ito sa Netflix nitong January 28,2022 at pumatok sa mga manunuod.

Viral ang mga larawan maging mga spoilers ng palabas at marami din ang mga humanga sa mga aktor at aktres na gumanap dito. Isa sa mga bida ng palabas ay si Chan young-yoon na gumanap bilang Lee Cheong-San. Maraming mga kabataan ang nagka-crush at finollow ang aktor sa kanyang instagram account.

Photo Courtesy: Instagram/ Yoon Chanyoung

Matapos ang pag-boom ng palabas na “All of us are Dead”, pati mga sikat na artista ng ABSCBN ay nag-follow din sa mga aktor na gumanap sa palabas.

Photo Courtesy: Instagram/ Yoon Chanyoung

Ngunit, tila may nanalo na sapagkat mismong ang aktor na gumanap na Cheong-San na si Chan young-yoon ang nagmessage sa Kapamilya Actress na si Francine Diaz!

Photo Courtesy: Instagram/ Francine Diaz

Ibinahagi ito ni Diaz sa kanyang Instagram Story, tila hindi makapaniwala ang aktres na mapapansin ito ng korean actor. Marami namang netizens ang naiinggit sa pag-message ng “wave” ng sikat na korean aktor kay Francine Diaz! Ikaw na Francine!

Photo Courtesy: Instagram/ Francine Diaz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *