Francine Diaz at Seth Fedelin spotted na magkasama at nagcelebrate ng new year!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Viral ngayon sa social media ang mga larawan nina Francine Diaz at Seth Fedelin na magkasama. Makikita sa mga larawan ang buong pamilya ni Francine at laking pagtataka ng mga netizens kung bakit naroroon din si Seth Fedelin na kaloveteam ni Andrea Brillantes. Mapapansin din sa larawan na ito ay mismong sa bahay nina Francine Diaz at kasama ang buong pamilya nito. May caption ang larawan na ‘Family is Love’

Photo Courtesy: Merdick Diaz

Matatandaan na myembro ang dalawa ng Gold Squad, ka loveteam ni Seth si Andrea Brillantes at ka loveteam naman ni Francine si Kyle Echarri. Sa ngayon, nabuwag na ang Fandom ng Kycine matapos pumasok ni Kyle Echarri sa Bahay ni Kuya at ma-link kay Chie Filomeno.

Tila nga, wala nadin ang Gold Squad at minsan na lamang pagsamahin ang dalawang sikat na loveteam na ito. Sa ngayon, bibida si Francine Diaz sa isang programa kung saan ay ipapareha ito sa tatlong leading man na sina Akira ng BGYO, KD Estrada at Ashton Salvador.

Photo Courtesy: Merdick Diaz

Samantalang mayroon ding upcoming na serye ang loveteam na SETHDREA, malaki ang pagtataka ng mga netizens kung bakit nga ba magkasamang nagcelebrate ng new year sina Francine at Seth Fedelin. 

Marami ang mga issue na lumabas kung saan sinasabi ng mga netizens na may relasyon umano ang dalawa. Subalit, sa latest na interview kay Francine Diaz ay inamin nito na hindi pa umano ito handa na pumasok sa isang relasyon. 

Photo Courtesy: Merdick Diaz

Dinepensahan naman ng ilang Fans ni Francine ang larawan na kumakalat, ‘talagang close friends lang ang dalawa kaya’t walang malisya kung magkasama man ito magcelebrate ng new year’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *