Doc Willie Ong naglabas ng statement sa kabila ng biglaang pag-Tandem nina Isko Moreno at Sara Duterte!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ayon kay Dr. Willie Ong, mananatili umano siyang focused sa pagtakbo bilang bise-presidente at hindi umano siya magpapa-apekto sa rumored tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Davao City Mayor Sara Duterte.

“Focused lang ako sa kailangan kong gawin.  Salamat kay Mayor Isko na pinili n ya ako, pero ngayon nasa akin na ang bola, tuloy-tuloy tayo hanggang May 9. Salamat sa aking followers, eye on the ball tayo,” ayon sa video message niya sa Facebook.

“Wala akong galit sa puso ko kasi hindi s’ya makakatulong. Sa politika, away-away. ‘Pag pinasok mo yung galit sa puso mo, dun na masisira yung kamada, maiiba yung focus mo,” Dr. Willie Ong said.

“Kailangan kong manalo kasi kailangan kong mabigay ang tulong sa gamutan, sa pagkain. . . .Sino pa ba ang tunay na nagmamhal sa inyo? Hindi ko naman kailangan magtapang-tapang pa.  O baka gusto nyo matapang, ano pa ba ang mas matapang sa ginagawa ko? Twenty-seven years na tumutulong ng libre, nagsasakripisyo para sa inyo,” dagdag pa nito.

Naging usapin naman ito sa social media at umani ng mga komento sa mga netizens:”Harap-harapang pambabastos at paglalag ni Isko Moreno kay Doc Willie. Ginagamit aniya ni Moreno ang ating Vice President na si Mayor Sara sa UniTeam.”

“Matatandaan, noon na sinisiraan ni Yorme si Inday Sara Duterte noon na akala nila na tatakbong Presidente.Nalulungkot ako para kay Doc Willie.” ayon sa netizen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *