Diego Loyzaga at Barbie Imperial, Hiwalay na umano ayon sa source ng showbiz columnist na si Ogie Diaz!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa topic ngayon sa showbiz vlog ni Ogie Diaz ang diumano’y hiwalayan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa matapos madawit ang kanilang relasyon sa sexy star na si AJ Raval, simula noon ay lagi na sila iniintriga. 

Nitong holiday season ay pumutok ang intrigang hiwalay na diumano ang dalawa dahil sa kawalan ng post sa social media para sa isa’t-isa. Hindi din daw magkasama ang dalawa nung Pasko at Bagong Taon. Matatandaan pa na muling inintriga ni Xian Gaza si Barbie Imperial kay Daniel Padilla ng mamataan si Barbie kasama ang pamilya ni DJ. 

Photo Courtesy: Latest Chika

Sa isang interview naman ay natanong si Diego Loyzaga kung bakit hindi niya kasama si Barbie Imperial sa bakasyon niya ngayon sa Amerika.

Sinabi ni Diego na biglaan lamang umano ang pagtungo niya sa Amerika at sa tingin niya ay hindi rin naman sasama si Barbie dahil wala daw itong Blue Passport at mag-aasikaso pa umano ni Visa. 

Ibinahagi naman ni Ogie ang kanyang nalalaman na nanggaling mismo sa kanyang reliable sources na malalapit sa dalawang artista. 

“Bakit may mga ‘I think’, di sila nag-usap?,” ani Ogie na reaksyon niya sa naging kasagutan ni Diego tungkol sa dahilan ng hindi pagkakasama ng kanyang girlfriend sa Amerika.

Photo Courtesy: Latest Chika

“Diba dapat mas diretso na salita na, ‘She would like to come’ or ‘I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ Diba dapat ganun? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport’, ‘I think she doesn’t have a visa.’ Bakit di mo alam?,” dagdag naman ni Mama Loi na kasama ni Ogie sa kanyang vlog.

“Ito lang po yung nasagap natin ano, na yung dalawa raw eh wala na. Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta… Ang sabi lang sakin ah, waley na raw.

“Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin ‘to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. ‘Yun po yung nakarating sa akin,” dagdag pa ni Ogie.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Diego at Barbie tungkol sa diumano’y hiwalayan nila, subalit simula ngayong taon ay hindi na nagkakasama ang dalawa dahil sa pagalis ni Diego patungong America. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *