Delivery Rider, Nanakawan ng Bisikletang gamit para buhayin ang pamilya! Nabiyayaan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga tinuturing na frontliner ngayong pandemic ay ang mga food delivery rider, kung saan patuloy ang paghahatid ng mga deliveries kahit pa mapanganib ito para sa kanilang mga kalusugan. 

Nag-viral sa social media ang isang Food Panda Rider na si Joshua Belen na ninakawan ng bike na kanyang gamit sa pagdedeliver, kwento ng rider ay kinuha lamang umano niya ang inorder na pagkain sa loob ng mall, ngunit pagbalik nito ay laking gulat nito na wala na ang kanyang bisikleta.

Photo Courtesy: Team Katagumpay/Facebook

Mula sa post ni Raymond Bartolome:

Nakaka awa nman si kuya food panda Cyclist, Ninakawan ng bike, habang nakuha sya ng order sa Central mall olivarez Biñan.

Labis ang lungkot ng rider dahil yon lamang ang tanging nagtaguyod sakanila kahit pa walang wala na sila. Sobrang sakit umano ito sakanya dahil naging mahalaga ang bisikleta para sakanilang pamilya. 

Matatandaan na kumukuha si Joshua Belen ng order sa isang kainan sa Central Mall sa Biñan City, Laguna noong isang linggo nang tangayin ang kanyang bike. Dahil sa pagod sa maghapong pagde-deliver ay hindi na niya nagawa pang makahabol sa suspek.

Photo Courtesy: Team Katagumpay/Facebook

“Bakit ako pa? Lumalaban naman ako ng patas, hindi naman ako nang aagrabyado ng tao. Bakit ako pa,” -Belen

Paano na ngayon itataguyod ni Joshua ang kanyang pamilya? Dahil sa sipag at tiyaga ng rider maraming kapwa niyang riders, ang tumulong sakanya!

Kwento ni Raymond Bartolome ay naghandog sila ng konting halaga pandagdag para pambili ng bike ni Rider Joshua Belen. Isa rin namang cyclist na si Gepoy Tuason ang dali dali syang kinontak upang matulungan, madalas makatagpo ang cyclist na Gepoy ng mga ganitong insidente kaya ayon sa kanya ay talagang tumutulong na sila kahit sa maliit na paraan kung kay’t naging tulay lamang sya para magkaroon ng gamit panghanap-buhay ang rider na si Joshua.

Photo Courtesy: Team Katagumpay/Facebook

Naiyak sa tuwa ang food delivery biker, na ninakawan ng bisikleta habang kumukuha ng order kamakailan, makaraang regaluhan ng brand-new bike ng isang grupo ng mga siklista.Bukod sa bisikleta, niregaluhan din si Bartolome ng P2,500 cash para sa mga araw na hindi siya nakapagtrabaho.

“Wala akong pambili ng pinakamaganda pero ‘yun ang kaya kong ibigay sa kanya kasi nararamdaman ko ang pangangailangan niya,” Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *