Dedikasyon Ng Isang Medtech Sa Kanyang Trabaho Sa Kalagitnaan Ng Isang Sunog, HINANGAAN!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

‘THE REAL CALL OF DUTY’

Nabilib ang marami sa medical technologist na ito mula sa Surigao del Sur dahil mas pinili niyang tapusin muna ang kasalukuyang lab test na ginagawa niya bago siya mag-evacuate ng ospital ng magkaroon ng sunog sa kalapit na gusali noong Lunes.

“This happened few moments after my duty. One brave colleague chose to stay and continue crossmatching blood for a newborn patient. The real ‘call of duty,’ all in the name of saving the lives of others,” saad ng uploader na si Stefan Balani sa Facebook.

Photo: Stefan Balani

“Nagulat po kami kasi hindi po siya tumakbo. Kumuha lang siya ng bag niya pero hindi niya maiwan ang trabaho,” kuwento ni Balani sa The Philippine STAR.

Ang babae sa litrato ay si Jeia Guingue, isang medtech mula sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City, Surigao del Sur.

Photo: Stefan Balani

Ayon kay Balani, alam ni Guingue na kailangang mailabas agad ang mga resulta ng test para sa bagong silang na sanggol.

“Kasi po mataas po ang process ng crossmatching at kailangan na po ng patient at hindi po pwede magkamali sa pag-abono ng dugo,” paliwanag ni Balani.

“Ligtas naman po tinapos lang niya gawin ’yung crossmatching dahil stat po kasi ang request need ng newborn abonohan,” dagdag pa niya.

Pagbabahagi ni Balani na naging inspirasyon sa kanya at hinangaan niyang husto ang dedikasyon ng kanyang katrabaho.

Agad namang nag-viral ang naturang post ni Balani ng kanyang katrabaho sa social media. Umani ito ng napakaraming papuri mula sa publiko at paghanga sa dedikasyon ni Jeia sa kanyang trabaho. Ang post na ito ni Balani ay mayroon ng 4.5k na reactions at 2.3k shares.

Tunay ngang kahanga hanga ang ipinakita ni Jeia na dedikasyon sa larangan ng kanyang trabaho na kahit nasa kalagitnaan ng isang sakuna ay mas pinili niyang manilbihan para sa kanyang pasyente. Maituturing na isang “Modern Hero” si Jeia Guingue!

Photos courtesy of Stefan Paul Balani

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *